Friday , November 15 2024

Hihirit nang sobra-sobrang pondo sa 2016 parusahan (Isinulong ng minorya sa Kamara)

BINALAAN ng minorya sa Kamara ang mga ahensiya ng gobyerno laban sa paghingi ng sobra-sobrang pondo mula sa 2016 national budget.

Sa harap ito ng napipintong pagsusumite ng Malacañang sa Kamara ng mahigit P3 trillion budget para sa susunod na taon.

Sa ngayon, isinusulong ni Bayan Muna rep. Neri Colmenares na maparusahan ang mga opisyal ng mga ahensiyang hihingi ng malaking pondo ngunit hindi naman gagamitin.

Ang problema aniya sa mga ahensiya ng pamahalaan ay iginigiit sa Kongreso ang mabigyan sila nang sobra-sobrang alokasyon ngunit natutulog lamang ang pondo at kalaunan ay nagkakaroon pa ng under spending.

Kailangang maghigpit aniya rito ang Kamara lalo na at eleksiyon na sa susunod na taon.

Naniniwala ang minority congressmen na kapag maraming ahensiya ang nabigyan ng sobrang pondo ay magkakaroon ng malaking savings ang gobyerno na pwedeng tratuhin na parang pork barrel at libreng magagamit para sa eleksiyon.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *