Sunday , December 22 2024

Villegas muling nahalal bilang CBCP President

MULING nahalal bilang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas.

Nahalal si Villegas ng 82 mula sa 95 active bishops na dumalo sa CBCP plenary assembly sa Maynila dahilan upang makuha ang pangalawang termino.

Nahalal din bilang vice president ng CBCP si Davao Archbishop Romulo Valles.

May dalawang taon ang bawat termino ng mga opisyal ng CBCP.

Habang ang mga nahalal na miyembro ng CBCP Permanent Council para sa Regional representatives for Luzon ay sina Bishops Rodolfo Beltran ng San Fernando, La Union; Ruperto Santos ng Balanga; Gilbert Garcera ng Daet; Bernardino Cortez ng Infanta at Reynaldo Evangelista ng Imus.

Para sa Visayas, ang mga kinatawan ay sina Bishops Crispin Varquez ng Borongan, at Narciso Abellana ng Romblon.

Para sa Mindanao, sina Bishops Jose Cabantan ng Malaybalay, at Angelito Lampon ng Jolo.

Nahalal din bilang treasurer si Palo Archbishop John Du at Fr. Marvin Mejia bilang secretary general. (HNT)

Ayon sa CBCP kapakanan  ng OFWs dapat matalakay sa SONA ni PNoy

UMAASA ang pamunuan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na matalakay ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) ang usapin sa overseas Filipino workers (CBCP).

Hiniling ni CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People chairman at Balanga Bishop Ruperto Santos kay Pangulong Aquino na tutukan ang kapakanan ng OFWs na nagsasakripisyo sa ibayong dagat.

“Banggitin ang kalagayan ng ating mga OFW. Sa pagbanggit ay maging patakaran ng ating pamahalaan,” wika ni Santos.

Itinakda ang SONA ni Aquino sa Hulyo 27.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *