Sunday , December 22 2024

SIM card-swap scam sinisilip ng NTC

MASUSING iniimbestigahan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang sinasabing subscriber identity module (SIM) card swap scam sa isang customer ng Globe Telecom Inc.

Sinabi ni NTC Director Edgardo Cabarios, tutukuyin ng ahensiya kung may kapabayaan sa panig ng kompanya kaya nabiktima ang kustomer nitong si Ian Caballero.

Isang scammer ang humiling ng replacement SIM para kay Caballero nang hindi niya nalalaman. Inabisuhan ng Globe si Caballero ukol sa SIM-swap at agad nai-block ang bagong numero makaraan niya itong iulat. 

Gayonman, bago pa ito ay na-access na ng scammer ang lahat ng accounts ng biktima, kasama na ang kanyang online banking account na naka-sync sa orihinal niyang number. 

Sakaling pinahintulutan ng bangko and fund transfer, aabot sana sa P48,000 ang nawala sa account ni Caballero. 

Kaugnay nito, hihimukin din ng NTC ang mga telecommunication company na higpitan pa ang patakaran sa pagpapalit ng SIM card upang hindi na maulit ang insidente.

“Kung mahuli ‘yung gumawa n’yan, malalaman kung nagkaroon ba ng laxity (ang Globe) sa kaso na ‘yan. Kung mapatunayan po na naging maluwag sila, mayroon po silang liability,” ani Cabarios. 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *