Roxas, Poe pinaiikot ni PNoy ng magkasama
Joey Venancio
July 13, 2015
Opinion
SINABIHAN daw ni Pangulong Noynoy Aquino sina Senadora Grace Poe at DILG Sec. Mar Roxas na umikot sa mga lalawigan o probinsiya na magkasama.
Kung totoo ang nasagap kong info na ito. Ibig sabihin niyan ay sila na nga ang napupusuan ni PNoy na iendorsong running mates sa 2016.
Hindi lang malinaw kung sino sa dalawa ang para sa presidente at bise presidente.
Pero, sa mga naunang pahayag ng mga opisyal ng Liberal Party na sina Budget Sec. Butch Abad, Senate President Frank Drilon at House Speaker Sonny Belmonte, sinabi nilang si Roxas ang may pinakamalaking tsansa na iendorso ni PNoy dahil lehitimong opisyal ng Liberal Party (LP) at nagpakumbaba na kay Noynoy noong 2010.
Tinitingnan din ng LP ang malawak na karanasan ni Roxas sa politika na nagsimula sa pagiging kongresista, DTI secrertary, senador, DOTC secretary at ngayon ay DILG secretary, at walang rekord ng katiwalian.
Si Poe naman, kahit bago palang sa politika ay tapat sa tao at karapat0dapat pamunuan ang DSWD kapag naging Bise Presidente. Kaya nga nangunguna siya sa survey sa pagka-presidente. Ang problema lang ay kulang pa talaga siya sa karanasan para pamunuan ang ating bansa na pinamumugaran ng mga tiwaling politiko at opisyal ng gobyerno.
Sa ikinikilos ngayon ni Poe, mukhang willing siyang maging Vice muna kay Roxas.
Malalaman natin ito sa mga susunod na araw. Huwag bibitiw!
Problema lang sa adik sa solvent ‘di na masolusyunan
– Mr. Joey Venancio, ang tapik po natin ay about sa mga adik sa solvent. Joey, nationwide na po ito. Sa simpleng solvent ay hindi po masolusyunan. Ano pa kaya pag malalaking crime na? Sir? Nakalulungkot po. Kahit saan ka lumingon may nagso-solvent. Minsan po naglalakad yung babae, dinakot po sa suso nung adik. Minsan naman nangyayakap. Dito po yan sa Elcano, Recto, Divisoria (Manila). Panawagan nalang po sa lahat lalo na sa atin Pangulo na baka may magagawa po tayo sa problemang ito. – 09282294…., Concerned citizen
Ang problemang ito ay dapat local government o mayor na ang kumikilos para masawata ang pagkalat ng paggamit ng nakaaadik na solvent. Kayang-kaya itong sugpuin ng local gov’t. Ipahuli ang mga nagtitinda ng solvent sa mga kabataang halatang gumagamit ng liquid na ito…
Illegal vendors sa bus terminal sa Baguio City
– Sir Joey, paki-paging naman po sa pamunuan ng POSD dito sa terminal gov pack sa Baguio City. Naglipana po kasi ang mga vendor na walang permit. Inaakyat po nila ang paninda nila sa bus dito po sa terminal. Di po sila mapigil kahit ang barangay kapitan nagbubulag-bulagan lang. Kami po na mga may puwesto ay nawawalan na ng kita at may permit kami na binabayaran. Sila po walang binabayaran sa city hall. Ang paninda ng mga illegal vendors ay empanada, mani, prutas, burger, buko pie, bananacue, turon at gulay. Mga 11 po sila na naglalako na walang permit. Sana po mabigyang-pansin ito ng pamunuan ng POSD dahil kawawa kaming mga may puwesto rito na wala nang kinikita pero maraming binabayaran sa gobyerno. – Baguio City vendor
May punto ang ating texter.
Madilim na highway Sa Cagayan de Oro City
– Dito po sa Cagayan de Oro City, walang ilaw ang mga poste sa highway lalo na po sa South diversion road going to Taguanao portion sa Arovil subdivision partikular kurbada malapit sa water pumping station ng subdivision, napakadilim. Matagal na ito, mag-3 to 4 years na. Wala po aksyon ang LGU at City Hall. Nasobrahan na po kasi ng politika ang CDo7. Mga local officials dito sige lang sila bangayan sa politika. – Victor Bahian
Panawagan sa alkalde ng CDO7. Napakaunlad na ng inyong lungsod. Mas gaganda pa ‘yan kung maliwanag sa gabi ang buong highway ng lungsod. Aksyon, Mayor!
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015