Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rason ng pagpapakamatay ni Julia, ‘wag nang pag-usapan

 

SA kabila ng kahilingan ng kanyang mga magulang na sana ay maging pribado ang lahat sa kanilang pagdadalamhati sa pagyao ni Julia Buencamino, hindi rin naiwasan ang mga tao dahil natural may mga artistang kaibigan nila na nagtungo rin sa wake ni Julia.

Inilagak ang labi ni Julia sa Our Lady of Mt.Carmel Church, na isang public place naman, kaya mayroon ding ibang mga taong nakapunta roon.

Ang maganda nga lang, hindi na rin naman humaba ang usapan matapos na hilingin din ng kanyang ama, ang actor na si Noni Buencamino, na itigil na rin ang kung anumang imbestigasyong maaari pang gawin ng pulisya dahil kumbinsido naman ang pamilya na ang nangyari ay isang kaso ng suicide, ibig sabihin wala namang foul play. Pero kasi iyang mga ganyang kaso, police matters iyan eh, kaya nagkaroon pa rin ng initial investigation.

Binigyan si Julia ng tribute ng mga kasama niyang artista sa afternoon series na Oh My G. Nagpahayag din ng labis na kalungkutan ang bida nilang si Janella Salvador. Ganoon din ang marami pang ibang mga naging kaibigan ni Julia sa maikling panahon ng kanyang pananatili sa showbusiness.

Marami ang nagsasabi na hindi nila lubos na maisip na mangyayari ang ganoon, dahil masayahing bata naman si Julia, napakahilig sa arts, ang totoo ay mayroon pa nga siyang sketches. Hindi nila iniisip na may pinagdaraanan siyang depression na maaaring magtulak sa kanya sa ganoong desisyon. Wala rin namang maliwanag kung may pinagdaraanan nga ba siyang depression, o ano man na maaaring nagtulak sa kanya na mag-suicide.

Pero kagaya nga ng kahilingan ng kanyang mga magulang, pabayaan na lang natin iyon at huwag nang pag-usapan pa.

Halos kasabay din ng kuwentong iyan ay ang istorya naman ng pagyao ni Rey Pedroche, siya ang sikat na newscaster noon ng RPN 9 na kung ilang dekada rin namang naghahatid sa atin ng balita.

Yumao na rin sa edad na 74 sa isang ospital sa Quezon City ang beteranang aktres na si Lucita Soriano.

Ipanalangin na lang po natin ang kanilang mga kaluluwa.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …