Sunday , December 22 2024

Peace nego sa CPP-NPA-NDF lalarga na

UMAASA ang Malacañang na uusad na ang usapang pangkapayaan ng pamahalaan at ng kilusang komunista sa paghaharap nina House Speaker Feliciano Belmonte, CPP founding chairman Jose Ma. Sison at NDF chief Luis Jalandoni sa The Netherlands.

“Sana po mula roon sa inisyal na pakikipag-usap ni Speaker Belmonte sa mga lider ng CPP-NPA-NDF sa The Netherlands ay magkaroon po ng progreso hinggil sa muling pagbubukas ng dialogo o usapan sa pagitan ng dalawang panig,” ani Communications Secretary Herminio Coloma Jr.

Si Belmonte ay isa sa mga opisyal ng pamahalaan na dumalo sa pagdinig sa UN arbitral tribunal sa petisyon ng Filipinas kontra pangangamkam ng China sa West Philippine Sea (WPS) sa The Hague, The Netherlands.

Ayon kay Coloma, ang pagbubukas muli ng peace process sa mga komunistang grupo ay depende pa rin  sa ugnayan ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) at sa pagkakasunduang patakaran sa peace talks ng dalawang panig.

Nauna nang nagpasalamat ang Palasyo sa pagsuporta ni Sison sa legal battle ng Filipinas laban sa China sa isyu ng maritime dispute sa WPS sa United Nations arbitral tribunal sa The Hague, The Netherlands.

Sina Sison at Jalandoni ay halos tatlong dekada nang nakabase sa The Netherlands ngunit tumatayo pa rin mga leader ng CPP-NPA-NDF peace panel.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *