Friday , November 15 2024

Paslit dedbol sa bundol

NALASOG isang 5-anyos paslit makaraan mabundol ng isang pampasaherong jeep habang tumatawid kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center  ang biktimang kinilalang si Junbert Veliganio, residente ng Cattleya St., Brgy. North Bay Boulevard South, ng nasabing lungsod.

Habang nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang suspek na si Ronald Allan Cruz, 42, ng 5 Flavia St., Brgy. Dampalit, Malabon City, nakapiit sa detention cell ng Navotas City Police.

Batay sa ulat ni PO3 Tristan De Lara, 7:30 p.m. nang maganap ang insidente sa M. Naval St., ng nasabing barangay.

Minamaneho ng suspek ang kanyang pampasaherong jeep (TWU-606) nang hindi mapansin ang tumatawid na biktima.

Huli na nang maka-pagpreno ang suspek dahil nabundol na niya ang biktimang tumilapon ng ilang metro.

Mabilis na isinugod ng driver ang biktima sa nasabing pagamutan ngunit namatay ang paslit habang  nilalapatan ng lunas.

Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *