Sunday , December 22 2024

Live-in partners tiklo sa P1.5-M shabu

CEBU CITY – Umaabot sa P1.5 milyon halaga ng shabu ang nakompiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-7) sa drug buy bust operation sa labas ng isang mall sa Leon Kilat St., Cebu City, Cebu kamakalawa.

Nahuli ng mga awtoridad ang live-in partners na kinilalang sina Lemuel Ivan Abinoja, residente ng Brgy. Tisa sa syudad, at Hazel Rose Dabatos, residente ng Brgy. Pahina Central, Cebu City.

Habang nakatakas ang dalawang primary suspect na naka-deal ng mga awtoridad lulan ng isang kotse.

Ayon kay Wardley Getalla, assistant regional director ng PDEA-7, matagal na nilang minamanmanan ang mga sangkot sa ilegal na transaksiyon.

Inilahad niya na ang nahuling suspek na lulan ng ibang sasakyan ang siyang nag-abot ng isang kilong shabu.

Sinasabing high-value target ang nahuli ng mga awtoridad.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng hot pursuit operation sa dalawang subject na ka-deal ng mga awtoridad na isang certain “Buds” na sinasabing residente ng A. Lopez, at Alfiel Chiu na mula sa Pardo, Cebu City.

Tiniyak ng PDEA na papatibayin pa nila ang kaso laban sa ganitong kalalaking drug pushers.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *