Tuesday , December 24 2024

Enforcement group ng Customs umaarangkada!

SUNOD-SUNOD ang mga nasabat ng Enforcement Group ng Bureau of Customs sa pangunguna ng butihing hepe na si Depcomm. Ariel Nepomuceno.

Talagang dibdiban ang pagtratrabaho, masagasaan ang dapat masagasaan kapag lumabag sa batas ng Customs.

Kamakailan ay pinangunahan niya at ng NFA pati ang mga tauhan niya sa pagsalakay ang mga smuggled rice sa Binondo na walang import permit galing China.

Magaling ang Intel ng grupo ni Nepomuceno dahil mabilis nilang na-monitor ang mga smuggled na bigas alinsunod sa marching order ni Commissioner Bert Lina na ‘wag bigyan ng puwang ang mga nandaraya ng buwis sa gobyerno.

Madalas din bumibisita sa lahat ng daungan/pantalan si Depcom. Nepumoceno para tingnan mabuti at i-monitor ang lahat ng kanyang nasasakupan sa buong Filipinas.

Kasunod ay kinumpiska naman ang smuggled resins, construction materials, tiles, sanitary wares, at circuit breakers sa Port of Manila dahil sa iba’t ibang violations sa Tariff and Customs Code ng Pilipinas.

Kasama si Customs Police Division Chief SPAS Marlon Alameda, na laging nakatutok sa mga ilegalista sa pier.

Mahigpit ang babala ni Depcomm. Nepomuceno sa mga customs police na huwag na huwag makipagsabwatan sa smugglers dahil kung hindi sila’y may kalalagyan.

Mabait si Depcom Ariel Nepomoceno pero masamang kaaway sa mga lumalabag sa batas ng customs.

May tumawag nga sa akin na empleyado ng BOC at ang sabi: “Jimmy alam mo ‘di ba ‘yung namatay na empleyada ng BOC na si Balete, ‘yung sinaksak sa cavite na piñata, biro mo nakipaglamay pa si Depcomm. Nepo kahit ‘di niya under ‘yung examiner. Nakiusap pa siya nang personal kay NBI Director Virgilio Mendez na sana ma-solve ang kaso ng pamamaslang kay Balete sa lalong madaling panahon.

“Bihira ang ganyang opisyal sa customs, Sir Jimmy.”

Plano rin ni Depcom Ariel Nepomuceno na magkaroon ng dalawang sasakyan pandagat ang ahensiya para makatulong sa pagsawata ng smuggling sa dagat.

Ang dalawang watercraft ay  nagkakahalaga ng P20M na magsisilbing nucleus  ng BOC-ESS water patrol division  at ito’y magsisilbi  at makatutulong  sa batas ng customs laws at regulation.

Ayon kay Depcom Nepomuceno, “Actually it’s a sort of  symbolic  given that it would  only  be two boats, ang mahalaga the first step has been  made and that the bureau is now committed  to pursue this project.”

That’s true Depcom. Nepomoceno. You’re the best!

Kailan papalitan si Mison sa BI?

Bakit napakaraming kaso ni Immigration Comm. Fred Mison ngayon sa Ombudsman?

Hindi ba dapat mag-resign na si Mison ‘pag ganitong mainit na siya masyado sa Immigration?

Marami rin nagkasakit at namatay sa Immigration dahil mukhang wala raw puso si Mison.

Malayong magaling si dating Immigration Comm. ret. Gen. Ric David sa pamamalakad sa BI.

Totoo kaya na kaya ‘di daw masibak si Mison dahil may backer daw siyang ‘bodyguard?’

Ngayon naglalabasan ang mga anomalya sa lifting ng blacklist order at renewal ng visa at patuloy pa rin ang Balyahan at Salyahan sa airport ‘e dapat na siyang palitan ng ating Pangulo.

Sabi pa ng mga taga-Immigration, mabait daw si Mison dahil nagsisikap para kay lovely Valerie Concepcion na ang balita ay pakakasalan pa niya?

Kung magsu-survey lang ang ating Pangulo kay Mison sa Immigration ‘e tiyak na landslide daw ang makukuhang boto na palitan na siya.

Matagal pa bang maghihintay ang mga boss mo sa Immigration, Mr. President?

About Jimmy Salgado

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *