Friday , November 15 2024

Chiz atat sa endorsement

0713 FRONTKINOMPIRMA ni Senadora Grace Poe ang ikatlong pag-uusap nila ni Pangulong Noynoy Aquino tungkol sa nalalapit na halalan sa 2016.

Nakipag-usap rin si PNoy sa hiwalay na miting kay Senator Chiz Escudero bilang bahagi ng konsultasyon ng Pangulo para sa mamanukin niya sa 2016.

Naging matipid ang pagsagot ni DILG Secretary Mar Roxas tungkol sa pinag-usapan nila ni PNoy pagkatapos makausap ng huli ang dalawang senador.

“As a member of his official family, I consider my conversation with the President privileged,” aniya.

Ito ang naging pahayag ni Roxas sa harap ng kabi-kabilang statements mula kay Escudero na ikinuwento  ang  pinag-usapan nila ni PNoy.

Sabi ni Escudero: “Wala naman ganoong kalinaw dahil the mere fact na kinakausap niya kami at wala pa siyang ini-endorso, siguro patunay na ‘yun na wala pa talagang pasya sa kanyang kaisipan.”

Ngunit nang tanungin kung inalok siyang ma-ging alternatibo kay Roxas bilang standard bearer, inamin ni Escudero na walang specific offer si PNoy sa kanila si Senador Poe.

Ayon sa ilang source mula sa Malacañang, usap-usapan ngayon sa loob ang mga statement ni Escudero.

“Imbes igalang niya ang mga napag-usapan nila ng Pangulo ay isinisiwalat niya lahat ito,” sabi ng isang mataas na opisyal. “He is being consulted by the President and yet he disrespects him by broadcasting an otherwise private and sensitive discussion.”

Malaki ang pagkakaiba nito sa naging pag-iwas ni Roxas sa usapin.

“With due respect and deference to the President who has yet to speak on the matter, I will not discuss the details of my meeting with the President and Secretary Butch Abad.”

Ayon sa mga political analyst, marahil ganito ang estratehiya ni Escudero dahil alam niyang mas napipisil na tandem ni PNoy si Roxas at Poe, at wala siya sa line-up.

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *