Sunday , December 22 2024

Biktima umakyat na sa 2,000 (Sa candy poisoning)

PUMALO na sa halos 2,000 bilang ang mga nalason o biktima ng food poisoning outbreak sa Caraga Region.

Ayon kay DoH-Caraga Regional Director Dr. Jose Llacuna, nasa 1,909 na bilang ng mga nalason, 111 sa kanila ang nananatili sa pagamutan na nakaramdam ng pananakit ng tiyan, pagsusuka, diarrhea, at pananakit ng ulo.

Nilinaw ni Llacuna na walang namatay o malubha sa mga pasyente.

9 tiklo sa food poisoning sa Caraga

Siyam ang naaresto dahil sa pagtitinda ng sinasabing nakalalasong durian candy na sanhi ng food poisoning sa mga estudyante sa Caraga region.

Ayon kay Surigao del Sur Gov. Johnny Pimentel, iniimbestigahan na kung ‘expired’ ang naturang minatamis o sinadyang lagyan ng lason.

Katwiran ng gobernador, sa mga bata lamang nagbenta ng kendi ang mga suspek sa labas ng mga paaralan. Nag-ikot pa aniya ang mga naaresto sa siyam na bayan para ialok ang kanilang mga produkto habang sakay ng van.

Binubusisi na aniya ng pulisya kung bakit dumayo pa ang grupo ng 300 kilometro mula sa kanilang sariling bayan sa Davao City para lamang magbenta ng mga kendi.

Samantala, itinanggi ng mga suspek na sinadya nilang lasunin ang mga bata.

Patong-patong na kaso ang posibleng harapin ng mga tindero habang anim na iba pa ang pinaghahanap ng mga awtoridad.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *