Sunday , December 22 2024

Pagpaslang kay ex-Brgy. Capt. Jimenez, pinaiimbestigahan ni Mayor Calixto

MAKULAY pala ang naging takbo ng buhay ni Ginoong Raul Jimenez bago siya itinumba ng di-nakikilalang gunman sa isang lugar sa Malibay sa Pasay City kamakalawa.

Sa aking pagtatanong, napag-alaman ko na matagal din palang nanilbihang personal cook si Jimenez kay yumaong former Pasay City Mayor Pablo “Ambo” Cuneta. Ibig sabihin, napagkakatiwalaan ng pamilya Cuneta ang mama dahil masarap daw magluto lalo na nang mga paboritong pagkain ni Mang Ambo.

Nasa dugo din ni Jimenez ang makilahok sa politika sa Pasay. Ang erpat niya ay dating barangay kagawad sa kanilang lugar, samantala si Jimenez ay dating cabeza de barangay sa Pasay. Kababata niya ang kaibigan nating si Hector “Macho” Bongat na sa haba ng panahon ay nakapag-retire na sa Philippine National Police kamakailan lamang. He he he… Paldo siguro ang bulsa ni pareng Hector?

Kaya lang minsan ay dumarating ang hindi inaasahang pangyayari sa iyong buhay.

Hindi kasi akalain ni Jimenez na habang nakaupo siya sa isang lugar sa Malibay ay may biglang dumating at lumapit na gunman sa kanyang kinapupuwestohan. At closed range, dalawang beses siyang pinaputukan sa katawan na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Ang masaklap, wala nang kinatatakutan ang mga gumagalang killer o de baril kahit saang lugar. Ang insidente ng pamamaril kay Jimenez ay nangyari may 50 metro ang layo mula sa presinto ng Pasay (PCP-7) sa Maricaban. Napakalapit pa sa Barangay Hall 179.

Inatasan na ni Mayor Tony Calixto ang chief of police ng Pasay City na masusing imbestigahan ang naganap na krimen.

Tulak natiklo

PINAIGTING pa ng local PNP ng Muntinlupa City at ni Mayor Jaime Fresnedi ang kanilang kampanya laban sa illegal na droga alinsunod na rin sa kanilang slogan na “Munti Drug Free.”

Ayon kay Muntinlupa Police S/Supt. Allan Nobleza, nahuli ng mga opeartiba ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (SAID-SOTG) sa isang entrapment/buy-bust operation ang suspect na si Marvin Nofuent, isang worker, ng Sucat, Muntinlupa City noong Hulyo 3.

Ani Nobleza, isang miyembro ng SAID-SOTG ang nagkunwaring buyer na bumili ng droga sa tirahan ng suspek bandang 3:00 ng hapon na nagresulta sa pagkaaresto ni Nofuent.

Narekober sa suspek ang isang pakete ng hinihinalang shabu at isang libong piso na ginamit na marked money sa drug bust opearation.

Nahaharap ang suspect sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy ang Fresnedi administration, sa tulong ng Muntinlupa Police at ng Drug Abuse Prevention and Control Office, sa pagpapalakas ng mga programa sa intel-report at entrapment operations sa pagsugpo ng ilegal na droga sa lungsod.

Malapit na?

KAPAG sinusuwerte, magbabago na ang liderato ng Philippine National Police (PNP) sa lungsod ng Las Piñas.

Iyan ay kapag si Senior Superintendent Mosqueda ay dinapuan ng “suwerte.” Kung hindi ako nagkakamali, galing MPD 3 si Mosqueda. Abangan?

Padaplis lang!!! Ayaw paawat ni putik

AYAW daw magpaawat ni Nardo, alias “Putik” sa kanyang pasugalan sa bayan ng Magalang, Pampanga.

Ano ang ginagawa ng Magalang PNP???

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *