Sunday , December 22 2024

P.2-M pekeng tsinelas nakompiska sa Navotas

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang mahigit P200,000 halaga ng mga pekeng tsinelas sa isang bodega na pag-aari ng isang Chinese national sa Navotas City kamakalawa ng hapon.

Sa bisang search warrant na ipinalabas ni Judge Celso R.L. Magsino ng Regional Trial Court (RTC) Branch 74 ng Malabon City, pinasok ng mga awtoridad ang bodega na pag-aari ng isang Benson Tan sa 137 Taliba St., Brgy. San Rafael Village, Navotas City dakong 5:30 p.m. at kinompiska ang mga pekeng tsinelas na may tatak na Nike, Lacoste Bipower, Dolep at Havaianas, tinatayang P215,000 ang market value.

Hindi na pumalag si John Michael Tan, manager/custodian ng nasabing warehouse, nang halughugin ng mga awtoridad ang warehouse sa harap nina Brgy. Ex-O Alexander An at mga barangay tanod na sina sina Sebastian Tigbawan, Ryan O Aguinaldo at Junray B. Delicano.

Bukod sa pekeng mga tsinelas, nakompiska rin ang sample books, folders, invoices, receipts, ledgers, journals at logbooks na gamit sa pagbebenta ng nasabing mga epektos.

Kasong paglabag sa Article 2 ng Republic Act 7394 o Consumer Act of the Philippines ang  kinakaharap ng suspek na si Tan dahil sa pag-iimbak ng mga pekeng produkto.

Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *