Sunday , December 22 2024

Lt. Gen. Iriberri new AFP chief

HINIRANG ni Pangulong Benigno Aquino III ang isang three-star general bilang ika-46 chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na siyam buwan na lang sa serbisyo dahil magreretiro na sa Abril 2016.

Si Lt. Gen. Hernando Iriberri, mula sa Philippine Military Academy (PMA) Class ’83 at commanding general ng Philippine Army (PA) ang pumalit kay Gen. Gregorio Pio Catapang bilang pinuno ng AFP sa gina-nap na turnover ceremony kahapon sa Camp Agui-naldo.

Sa kanyang talum-pati, hinamon ni Pangulong Aquino si Iriberi na tiyakin na magiging mapayapa at malinis ang 2016 elections.

“Alalahanin natin: Malapit na naman ang eleksiyon. Kasama sa inyong tungkulin ang pagsigurong magiging mapayapa at malinis ang pagpili ng ating mga kababa-yan ng susunod na pinuno,” pahayag ng Pa-ngulo.

May napakagandang track record aniya si Iriberi sa military, kabilang rito ang pagsiguro na mapayapa ang halalan sa Abra, itinuturing na election hot spot noong 2013 polls.

“Ang balita ko, kahit sino man sa mga nakasama niya sa misyon, training, at exercises ang tanungin ninyo, very good ang ibibigay na marka sa bago nating Chief of Staff. Mula nga noong platoon leader pa lamang siya, basta siya mismo ang nagmamando sa operas-yon, walang casualty sa kanyang mga tropa,” sabi ng Pangulo.

Inatasan din niya si Iriberri na ipagpatuloy ang mga repormang ipinatupad ng mga sinundan niyang AFP chief f staff .

“Lt. Gen. Iriberri, ito ang hamon sa iyo ngayon: Ipagpatuloy ang magandang nasimulan ni Gen. Catapang at ng mga nauna sa kanya, at lalo pang itaas ang kalidad ng serbisyo ng ating mga kawal,” dagdag ng Pangulo.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *