Sunday , December 22 2024

Korean restaurant sa Makati ipasasara (Karne ng aso inihahain)

NANGANGANIB na maipasara ang isang Korean restaurant makaraan ireklamo ng paghahain ng karne ng aso sa kanilang mga customer sa lungsod ng Makati.

Kinilala ng Makati City Police ang mga suspek na sina Wilma Kim, isang Filipina, tumatayong may-ari ng Minsok Restaurant sa 401 Gen. Luna St., Brgy. Poblacion ng naturang lungsod; mag-asawang Ham Og In at Woo Seok, kapwa nasa hustong gulang, tunay na may-ari ng naturang restaurant.

Habang ang complainant ay kinilalang si Ray Bartolata, 60, radio producer at broadcaster ng isang estasyon ng radyo (DWBL).

Base sa dalawang pahinang reklamo ni Bartolata sa tanggapan ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), General Assignment Section (GAS), Makati City Police, noong nakaraang buwan ay nagtungo sa kanyang programa ang isang nagngangalang Shandel Dumaog, isang kasambahay, upang ireklamo ang naturang restaurant dahil sa pagbebenta ng karne ng aso.

Kung kaya’t nagsagawa ng pagsisiyasat si Bartolata sa naturang restaurant at base na rin sa pahayag ng mga katabing establisyemento, nakompirma na nagbebenta ng karne ng aso.

Sa resulta ng pagsusuri ng National Meat Inspection Service ng Department of Agriculture, napag-alaman, positibong karne ng aso ang inihahain ng naturang restaurant sa kanilang mga customer.

Bunsod nito, ang mga suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9482 “Anti-Rabies Act of 2007,” paglabag sa Section 48 parag. C ng R.A. 9296, “The Meat Inspection Code of the Philippines as Ammended  by R.A. No. 10536,” at paglabag sa Anti-Dummy Law sa Makati City Prosecutor’s Office.

Ang nabanggit na mga suspek ay nakalalaya pa at sakaling mapatunayan ng piskalya ay posibleng maipasara ang nabanggit na restaurant.

Jaja Garcia

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *