SINAMPAHAN ng kasong smuggling ng Bureau of Customs (BoC) sa Department of Justice (DoJ) ang dalawa katao dahil sa pagsasabwatan sa pagpupuslit ng asukal na nagkakahalaga ng P13.52 million.
Kinilala ang inireklamo na si Argic Dinawanao ng AMD Royale Enterprises, at Customs broker na si Steve Semblante dahil sa paglabag sa Tariff and Customs Code of the Philippines (TCCP) makaraan ipasok ang 260,000 kilograms ng asukal kahit walang impo
Sinasabing hindi idineklara nang tama ang mga produkto upang makatipid sa mga bayarin.
Itinala ito bilang mga kagamitan sa kusina at furniture items.
Nabatid na idinaan ang mga asukal sa Port of Cagayan de Oro noong Mayo 24 mula sa bansang China.
Nangako si BoC Comm. Bert Lina na lalo pa nilang paiigtingin ang panghuhuli sa mga smuggler upang mahinto na ang mga ilegal na gawain sa kanilang kawanihan at mapataas ang revenue collection.