Friday , November 15 2024

5 patay sa pananalasa ng Habagat — NDRRMC

PUMALO na sa lima ang namatay dahil sa hagupit ng Habagat na pinalalakas ng Bagyong Falcon. 

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), huling nai-dagdag sa bilang ang tatlong namatay sa Meycauayan, Bulacan.

Binawian ng buhay makaraan mabagsakan ng pader ang 74-anyos na si Demetrio Ylasco, Sr. sa Brgy. Iba, gayondin ang isang taon gulang na batang babae sa Brgy. Pantoc.

Habang nalunod ang isang 5-anyos paslit na naiwan mag-isa sa loob ng kanilang bahay na tina-ngay ng rumaragasang tubig.

Bago ito, unang naitala ng ahensiya ang pagkamatay ng 19-anyos na si Kevin Jacinto na nadulas sa riprap at narekober ang katawan sa bahagi ng San Juan River.

Kasama rin sa tala ang Korean diver na unang naiulat na nawawala sa Lapu-Lapu City at narekober ang bangkay sa Camotes Island, Cebu.

Micka Bautista

Falcon lumabas na ng PAR, patuloy  na magpapaulan

NAKALABAS na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Falcon nitong Biyernes. 

Sa abiso ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 675 kilometro hilagang silangan ng Itbayat, Batanes dakong 4 a.m. 

Taglay nito ang lakas ng hangin na 160 kilometer per hour (kph) malapit sa sentro at pagbugsong aabot sa 195 kph. 

Kumikilos pahilagang kanluran sa bilis na 22 kilometro bawat oras.

Bagama’t nakalabas na ng bansa, patuloy na pinalalakas ni Falcon ang Habagat na magdudulot ng mga pag-ulan at pagbaha sa Luzon at Western Visayas.

Samantala, nakataas ang yellow rainfall warning level sa Metro Manila, Bulacan, Zambales, Cavite, Batangas, Bataan. Inaasahan ang pagbaha sa mababang mga lugar. 

La Mesa Dam nakaambang umapaw

NAGBABADYANG umapaw ang tubig sa La Mesa dam. 

Hanggang pasado 7 a.m. kahapon, umabot na sa 79.99 meters ang antas ng tubig sa dam na may spilling level na 80.15 meters. 

Inirekomenda na ang puwersahang paglilikas ng mga residente sa mga lugar na maaapektohan nang nakaambang pag-apaw nito. 

Ayon kay Engineer Teddy Angeles ng La Mesa dam headworks, inabisohan nang maghandang magtungo sa evacuation center ang mga nakatira sa mga barangay na malapit sa Tullahan River sa Quezon City, ka-tulad ng Greater Fairview, Greater Lagro, Santa Monica, North Fairview, Nagkaisang Nayon, No-valiches Proper, San Bartolome, Gulod, at Santa Lucia.

Apektado rin ang mga ilang barangay sa Valenzuela, kasama ang Gen. T. De Leon, Ugong, Marulas, Mapulang Lupa, Karuhatan, Paso De Blas, Parada, at Maysan.

Samantala, malapit na rin umapaw ang Marikina River dahil sa patuloy na pag-ulan sa Metro Manila.

Sa taya ng Marikina Rescue 161, nasa 14.2 meters na ang antas ng tubig sa ilog.

Sakaling umabot sa 15-meters ang water level nito, aapaw na ang ilog at itataas na ang unang alarma, hudyat na kinakailangan maghanda na sa paglikas ang mga residente.

Kabilang sa mga tinututukang barangay ang Tumana, Nangka at Malanday na maraming residente ang nakatira sa gilid ng ilog. 

2 gate ng Ipo Dam binuksan

KINOMPIRMA ng Hydro Meteorology Division ng PAGASA na ibinukas na ang dalawang gate ng Ipo Dam sa Bulacan, dakong 5 a.m. nitong Biyernes.

Naglalabas ito ng 111.10 cubic metre per second ng tubig.

Ang umaapaw na tubig mula sa Ipo Dam ay sinasalo ng Bustos Dam, na lumampas na rin sa spilling level nito na 17.35 meters.

Umaagos patungong Angat River ang tubig mula sa dalawang dam.

Dahil dito, posibleng maapektohan ang mga bayan na nasa paligid ng ilog kabilang na ang Norzagaray, Pandi, Hagonoy, Malolos, Sta. Maria, Balagtas, Bocaue at San Jose Del Monte.

Patuloy ang pagbabantay ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office para matukoy kung may pagbaha na sa mga nasabing bayan o may mga residente nang lumikas doon.

5 bahay sa Caloocan nawasak sa landslide

NAWASAK ang limang kabahayan nang bumigay ang kinatitirikang lupa sa Sitio Matarik, Brgy. 175, Camarin, Caloocan nitong Huwebes. 

Kwento ni Jun Asur, isa sa mga may-ari ng nawasak na bahay, una nilang napansin na nagkabitak ang lupa dakong madaling-araw. 

Pabalik sana si Asur para isalba ang ilan pang gamit nang biglang bumagsak ang lupa dahilan para bumagsak sa malapit na creek ang mga bahay.

Walang nasaktan sa insidente pero agad dinala sa evacuation center ang naapektohang mga residente. 

Ayon kay Engr. Joel Baroga ng Caloocan City Engineering Office, inirekomenda na nilang i-relocate din ang iba pang residenteng nakatira malapit sa gumuhong lupa.

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *