Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 iginapos sinalbeyds sa Quezon Bridge

NATAGPUANG nakagapos, walang buhay at tadtad ng bala ang dalawang lalaki sa ibabaw ng Quezon Bridge sa Ermita, Maynila kahapon.

Kinilala ang unang biktima na si Romualdo Arguelles, 19, walang trabaho, miyembro ng Sputnik Gang, ng Block 108, Lot 44, NHA Site 2, Dayap, Calauan, Laguna.

Habang ang ikalawa ay nasa edad 20 hanggang 25-anyos, may taas na 5’4 hanggang 5’5, balingkitan ang katawan, at may tattoo na “tayi” sa mga daliri.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Jonathan Bautista ng Manila Police District Homicide Section, dakong 7 a.m. nang matagpuan ang bangkay ng dalawang lalaki sa Quezon Bridge South bound.

Ayon sa isang pedicab driver na si Gibson Alvarez, 19, walang permanenteng tirahan, nakasakay siya sa kanyang side car nang makarinig siya nang sunod-sunod na putok ng baril sa lugar.

Hanggang sa isang bakla ang kanyang nasalubong na sinabing may binaril sa ibabaw ng tulay.

Leonard basilio, may kasamang ulat ni Rhea Fe G. Pasumbal

Laborer itinumba habang naglalaba

PATAY ang isang 40-anyos lalaki makaraan barilin ng hindi nakilalang suspek habang naglalaba sa labas ng kanilang bahay sa Port Area, Maynila kahapon.

Isang tama ng bala sa leeg ang tumapos sa buhay ng biktimang si Reylan Otadora, construction worker, ng Block 15-B, Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng salarin na mabilis tumakas makaraan ang insidente.

Sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro, ng Manila Police District Homicide Section, dakong 1 a.m. nang matagpuan ng kanyang anak ang biktimang nakabulagta sa labas ng kanilang bahay. Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang motibo sa insidente.

Leonard Basilio, may kasamang ulat ni Rhea Fe G. Pasumbal

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …