Friday , November 15 2024

1 patay, 20 sugatan sa salpukan ng 2 van

GENERAL SANTOS CITY – Hawak na ng pulisya ang traysikad driver na si Benjamen Enojo, itinurong responsable sa banggaan ng dalawang van na nagresulta sa pagkamatay ng isa at pagkasugat ng 20 biktima kahapon.

Una rito, agad binawian ng buhay ang utility van driver na si Jerson Macua ng Sta. Maria, Davao del Sur, nang maipit sa manibela ng van (AAH-4452).

Habang hindi makausap ang passenger van driver na si Atra Abas na nawalan ng malay.

Una rito, dakong 5 a.m. biglang pumasok sa four lane ang sikad unit sa crossing Ligaya Katangawan road kaya’t inilagan ng AGP van (XPY-565) na papuntang Davao.

Hindi pa makompirma kung ang passenger van ang pumunta sa pangatlong lane kaya’t nasalubong ang utility van ng Lapanday Foods na papuntang Tampakan, South Cotabato na may kargang mga field technician.

‘Head-on collision’ ang banggan ng dalawang van na nagresulta sa insidente.

Isinugod sa iba’t ibang pagamutan ang 20 sugatan sa insidente.

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *