Sunday , December 22 2024

Sekyu nadulas, nahulog mula 7/F nabagok tigok

PATAY ang isang guwardiya nang madulas sa ikapitong palapag, nahulog sa 3rd floor at tumama ang ulo sa pinakakanto ng isang exhaust fan sa isang ginagawang gusali sa Pasay City kahapon ng umaga.

Agad binawian ng buhay sanhi nang pagkabasag ng bungo ang biktimang si Rogelio Rivera, may sapat na gulang, ng Defense Specialist Security Agency, at tubong Centro Sur, Camalinlugan, Cagayan.

Sa imbestigasyon nina SPO1 Dennis Desalisa at SPO1 Rodolfo Soquina, ng Homicide Section ng Pasay City Police, naganap ang insidente dakong 4:45 a.m. sa construction site ng Conrad Hotel sa Ocean Drive, Mall of Asia (MOA) ng naturang lungsod.

Nag-iinspeksiyon ang isa pang guwardiya na si Michael Angelo Jacinto sa naturang gusali, nang mapansin niya ang sapatos ng biktima sa ibaba, kaya’t agad niyang tinawagan  sa radyo ngunit hindi sumasagot.

Kasama ang isa pang guwardiya, hinanap nila ang biktima at dito tumambad ang wala nang buhay na si Rivera na basag ang bungo.

Napag-alaman, nadulas ang biktima mula sa ikapitong palapag at nahulog sa ikatlong palapag.

Jaja Garcia

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *