Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P.8-M shabu nasabat sa Pasay LBC hangar

HINDI kukulangin sa 200 gramo ng shabu na itinago sa loob ng lava cake ang nasabat kahapon ng joint operatives ng Philippine Drug Enforcement Agency, BOC-NAIA X-ray unit at Airport Police personnel sa LBC Hangar na matatagpuan sa General Aviation Area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.

Ayon kay Airport Police officer Alejandro M. Pineda, ang pinaghihinalaang  shabu, na tinatayang may street value na P800,000, ay nakabalot sa carbon paper nang madiskubre  ng X-ray security operator na kinilalang si Juanito Basalla.

Ang parcel na patungong   Zamboanga  ay ipinadala ng isang Mira Adian at ang consignee ay kinilalang  isang Amin Adian.

Ayon sa mga awtoridad, gumagamit ng iba’t ibang estilo ang sindikato sa pagpapadala ng droga sa pag-aakalang hindi gaanong nababantayan ang mga freight forwarding company.

Agad kinompiska ng mga tauhan ng PDEA ang droga.

JSY

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …