Friday , November 15 2024

Hindi pantalan ang bantayan!

00 aksyon almarBOOO BOOO… ops hindi bobo ha, ang Bureau of Customs (BOC), kundi nakatatawa lang ang ahensiya sa ipinagyayabang nilang pagsalakay sa dalawang tindahan sa Maynila na nahulihan nilang nagbebenta ng smuggled rice.

Bakit nakatatawa ang BOC, kasi nag-boomerang din sa kanila ang raid. Ang lakas ng loob nilang humarap sa kamera.

‘E anong mali at nakatatawa roon? E ano pa nga ba, ibinuko din nila kasi ang kalokohan ng BOC.

Saan nga ba dumaan ang ipinuslit na bigas mula Tsina? Hindi ba sa mga pantalan? E sino ba ang may kontrol ng pantalan? Hindi ba ang BOC?

So, sa nangyaring raid ng BOC, ipinamumukha lang ng ahensiya ang kanilang katangahan este, ipinamumukha lang nila na talamak pa rin ang smuggling sa mga pantalan.

Bakit kaya talamak pa rin ang smuggling kahit mahigpit naman ang kampanya ng BOC o doble naman ang kanilang pagbabantay sa mga pantalan para walang makalusot na smuggled goods?

Bakit nga ba? Ang dahilan, talamak pa rin ang red ribbon este, red tape o lagayan o kotongan sa BOC.

Iyon lang ‘yun!

Ang mali kasi sa BOC, ang pantalan ang kanilang binabantayan, e wala naman kinalaman ang pantalan. Ang dapat na bantayan ay mga opisyal, tauhan hanggang sa pinakamababang empleyado  dahil – ilan sa kanila ang dahilan ng talamak na smuggling sa pantalan.

Nakatatawa pa nga ang idinadahilan ng BOC, kesyo nakalusot daw ang mga bigas dahil maaa-ring isiniksik sa kaduluduluhan ng container, kesyo isiniksik sa ibang bagahe, kesyo, kesyo… kung ano-anong dahilan.

Hoy BOC! Hindi bobo ang taumbayan. Kung ano-ano pa ang idinadahilan ninyo. Booo booo… BOC! Kantiyaw iyan ha at hindi bobo. Booo booo… BOC!

Ibunuko na nga ninyo ang inyong kapalpakan, tapos magpapalusot pa kayo.

Inuulit ko, hindi mga bobo ang Filipino! Hindi nakapasok sa Mercado iyang mga smuggled rice kung hindi pinalusot ng mga gunggong sa BOC dahil sa lagayan! Kaya huwag ninyo sisihin ang may-ari ng dalawang grocery sa Binondo, Manila na inyong sinalakay  at sa halip, ang kalkalin ninyo, kung sino sa BOC ang nagpalusot ng bigas.

Ngayon, batid na ng BOC na may nakalulusot pa rin sa mga pantalan at naniniwala tayong nakarating din ito sa tanggapan ni BOC Dep.  Comm. for Enforcement Group Ariel Nepomuceno, malamang na lalo pang hihigpitan ng opisyal ang kampanya niya laban sa mga smuggler at tiwaling opisyal ng BOC.

Sige nga Dep. Comm. Nepomuceno, ipadama mo sa mga smuggler at mga kasabwat nilang opisyal/kawani ng BOC, ang galit mo. Arestohin, kasuhan at ipakulong ang magkakasabwat na ‘yan!

Hindi pa huli ang lahat Dep Comm.

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *