Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Compton may tiwala sa Aces

Alex Compton alaska aces

SA ikalawang pagkakataon ngayong taong ito ay nasa finals ng PBA ang Alaska Milk.

Noong Linggo ay kinumpleto ng Aces ang kanilang pagwalis sa Purefoods Star Hotdog sa kanilang best-of-five na serye sa semifinals sa pamamagitan ng 82-77 na panalo sa Game 3 sa Smart Araneta Coliseum.

At para kay Alaska coach Alex Compton, magandang pagkakataon ito upang makabawi ang kanyang koponan mula sa kanilang masakit na pagkatalo sa finals ng Philippine Cup kontra San Miguel Beer noong Enero.

“I’m happy that we’re back in the finals, no matter what team that we are up against,” wika ni Compton. “My mindset is not to worry about the competition. Our focus is this: Are we doing the right thing? Are we unified? Are we competing? Are we doing well as a team?”

Sa kanilang pagdomina sa Hotshots sa semis ay kitang-kita na lamang na lamang si Compton sa beteranong si Tim Cone sa pag-ayuda ng kanyang koponan sa bench.

Nang gumamit ang Star ng mas malaking lineup ay sumagot si Compton ng paggamit ng kanyang sariling mga big men tulad nina Calvin Abueva, Vic Manuel at Rome dela Rosa upang tulungan ang import ng Aces na si Romeo Travis.

Sa Game 3 ay nagtala si Manuel ng 14 puntos samantalang 11 puntos ang naitala ni De la Rosa at siyam na rebounds naman ang nasungkit ni Abueva.

“We went big in the third quarter because they (Hotshots) gave us problems with their big lineup,” dagdag ni Compton. “If we played small, that would cause us problems. And if we could hold the other team to 30 points in a half, then we have a chance.”

Ngunit mas lutang ang krusyal na tres ni Travis sa huling dalawang minuto ng laro na nagbigay sa Aces ng kalamangan at naprotektahan nila ito hanggang sa huli.

“I was open. It was a good shot. I took it and I was happy that it went in,” ani Travis na gumawa ng 19 puntos at 10 rebounds sa Game 3 kontra Hotshots. “But I was also happy that I made a pass and Vic (Manuel) made a big shot.”(JAMES TY III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …