Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

23 katao tiklo sa QCPD anti-illegal drug raids

UMABOT SA 23 katao na sangkot sa ilegal na droga ang naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa isinagawang magkakahiwalay na anti-illegal drugs operation sa Quezon City.

Sa ulat kay Chief Supt. Joel D. Pagdilao, QCPD director, ang 12 sa nadakip ay naaresto sa buy-bust operation ng District Anti-illegal Drugs Special Operations Task Group (DAIDSOTG) at Batasan Police Station (PS-6) dakong 7 p.m. nitong Martes sa No. 33, Vincent St., Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Habang sa operasyon ng Anti-illegal drug ng Cubao Police Station (PS-7) ay naaresto si Reylan Almusara, 30, ng 105 8th Ave., Brgy. Socorro, Cubao, at walong iba pa makaraan maaktohang gumagamit ng shabu sa Unit 30 ng isang apartelle sa 8th Avenue, sa Cubao, Quezon City. Nadakip sila dakong 5:45 a.m. noong Hulyo 7, 2015.

Samantala, nadakip ng Project 4 Police Station (PS-8) si Gian Christopher De Guzman, 30, ng 92 Marang St., Brgy. Quirino 2-B makaraan benta-han ng isang plastic sachet ng shabu ang isang police poseur buyer.  

Si Marco Cortez, 40, house painter, ng Mapalad Covered Court, Brgy. Commonwealth, Quezon City ay nadakip dakong 10 a.m. noong Hulyo 7, 2015, ng mga tauhan ng PS-6 makaraan makompiskahan ng dalawang large bricks ng dried marijuana leaves at fruiting tops.

Almar Danguilan

Tulak timbog sa boga at droga

NAARESTO ng pulisya ang isang lalaking matagal nang pinaghahanap ng batas makaraan masakote sa kanyang pinagtataguan sa Plaridel, Bulacan kamakalawa. 

Sa bisa ng search warrant no. 14-M-2015 na ipinalabas ng korte kaugnay sa paglabag sa RA 10591, inaresto ng pulisya si Sherwin Erido, alyas Muling, sa Sitio Calicot, Brgy. Banga 1st, sa naturang bayan.

Sa ulat mula kay Supt. Dale Daupan Soliba, hepe ng Plaridel Police, hindi na nakapalag si Erido nang mapagsalikupan ng mga awtoridad sa pinagtataguan niyang bahay.

Nabatid na si Erido ay may patong-patong na kaso kaugnay sa pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot partikular ang shabu sa Plaridel at kanugnog-bayan.

Nakompiska ng pulisya sa pag-iingat ni Erido ang isang kalibre .38, isang improvised shotgun (BOGA), iba’t ibang bala ng baril at plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Kasalukuyang nakakulong sa Plaridel Municipal Jail ang suspek habang inihahanda ng pulisya ang mga kasong isasampa sa kanya.

Micka Bautista                       

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …