Friday , November 15 2024

Stupiiiiddd

EDITORIAL logoSABI nga ni Napolean Bonaparte, isang French military at political leader… “In politics, stupidity is not a handicap.”

Ito ang mga katagang maaaring iangkop kay Rep. Amado Bagatsing sa kanyang panukalang ipihit na lang ang monumento ni Dr. Jose Rizal na nasa Luneta Park at iharap sa Lungsod ng Maynila na halos katapat ng Torre De Manila.

Sa dinami-dami naman nang maibibigay na suhestiyon, kung bakit ang monumento pa ni Rizal ang pinagdiskitahang galawin nitong si Bagatsing?  At ang masakit pa,  buong bangis na inihalintulad si Rizal sa estatwa ng kalabaw na malapit sa Grand Stand.  Mabuti pa raw ang kalabaw, nakaharap sa Maynila samantalang si Rizal, nakaharap sa Manila Bay.

Dito makikita kung anong klaseng pag-iisip meron ang isang politikong tulad ni Bagatsing. Sa halip na sumentro sa usapan ng Torre De Manila bilang isang Pambansang Photobomber, nabaling ang isyu sa kung saan dapat nakaharap ang monumento ni Rizal, at pati ang nananahimik na kalabaw ay idinamay.

Tama talaga si Bonaparte na hindi nga sagabal ang pagiging tanga sa politika.  Hindi tayo magtataka kung isang araw, maisipan naman ni Bagatsing na para matapos na ang debate sa pinag-uusapang Torre De Manila, e, pahigain na lang ito para hindi na makasagabal sa monumento ng ating pambansang bayani.

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *