Sunday , December 22 2024

Roxas: Trabaho muna

HINDI alintana ni DILG Secretary Mar Roxas ang mga isyung politika sa pagbisita niya sa San Fernando City, La Union para sa Disaster Risk Reduction Management Council (DRRMC) briefing sa San Fernando City Hall.

Kasama ni Roxas si DSWD Secretary Dinky Soliman upang magdala ng 30,000 family food packs para sa mga residenteng apektado ng bagyong Egay.

“Nandito kami para masiguro ang mabilis na pagtugon ng ating gobyerno sa mga pangangailangan ng mga ating kababayan sa La Union,” sabi ng Kalihim. “Ating inaalam ang sitwasyon sa mga bayan ng La Union at ipararating natin sa ahensiya ng gobyerno kagaya ng DPWH para tugunan ang kailangan sa probinsiya.”

Ininspeksyon nina Roxas at Soliman ang Cabaroan Creek na umapaw noong Sabado.

Pinuri ni Roxas ang lokal na pamahalaan ng La Union sa maagap na paghahanda sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang grupo na nagbunga ng zero casualty sa nakaraang bagyo.

Patunay ito, sabi ni Roxas, na “kung ang komunidad ay alisto, naiiwasan o nababawasan natin ang kapahamakan at nailalayo natin ang ating mga kababayan sa peligro.”

Nilinaw din ni Roxas na ang mga LGU, bilang frontliners, ay may kakayahang magsabi kung kailangan nang suspindihin ang pasok sa mga paaralan sa kanilang nasasakupan.

Ginawang halimbawa ni Roxas ang isang sitwasyong walang public storm warning signal mula sa PAGASA ngunit baha na sa lugar. “Puwede namang malakas ang hangin pero walang masyadong ulan, na talagang nangangailangan na magsuspindi ng klase. Mga instrumento ito na makatutulong sa mga LGU na makapagpapasya para sa kanilang komunidad,” pahayag niya.

Tiniyak naman ni Roxas ang patuloy na pag-ayuda mula sa National Government para sa La Union.

“Asahan po ninyo na ang pamahalaang nasyonal ay andito, masasandalan at maaasahan ninyo. Hindi namin kayo pababayaan,” pangako ng Kalihim.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *