Sunday , December 22 2024

Restrooms for gays ipatatayo sa paliparan

MAGPAPATAYO ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng mga communal toilet o all-gender restrooms.

Alinsunod sa Gender Awareness Development Program ng pamahalaan, isasagawa ito ngayong buwan kasabay ng pagsasaayos sa mga palikurang nasa 41 paliparan na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng CAAP.

Ang all-gender restrooms ay magagamit ng mga babae, lalaki o ano mang gender identity o expression ng ga-gamit nito.

Ibig sabihin, hindi lamang para sa mga babae, lalaki o person with disability ang palikuran kundi magpapatayo na rin ang CAAP nang hiwalay na pinto para sa all-gender neutral bathrooms.

Kabilang sa unang pagtatayuan nito ang CAAP Central Office at ang mga paliparan sa Bosuanga, Butuan, Calbayog, Cauayan, Dipolog, Legazpi, Masbate, Naga, Pagadian, Puerto Princesa at Tuguegarao passenger terminal buildings. Nilinaw ni CAAP Public Information Officer Eric Apolonio, hindi kasama sa programa ang Ninoy Aquino Interntional Airport (NAIA) dahil wala ito sa kanilang hurisdiksyon.

GMG

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *