Sunday , December 22 2024

Patay sa Ormoc tragedy 62 na

ISANG bangkay ng bata na pinaniniwalaang pasahero nang lumubog na M/B Kim Nirvana ang natagpuang palutang-lutang sa karagatang sakop ng Ormoc City sa Leyte.

Sa pagtaya ng mga nag-ahon sa bangkay, nasa pagitan ng dalawa hanggang apat na taon gulang ang naturang biktima.

Agad dinala ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang bangkay sa punerarya dahil ‘bloated’ na ito at nagkakaroon na ng hindi kanais-nais na amoy.

Ayon kay PCG District Commander Pedro Tinampay, posibleng madagdagan pa ang record ng mga namatay sa susunod na mga araw dahil mayroon pa rin silang mga hinahanap na sakay ng tumaob na motor banca.

Nabatid na patungo sa Camotes Island ang M/B Kim Nirvana nang salubungin ito ng malalaking alon noong Hulyo 2, 2015.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ukol sa trahedya, habang ang kapitan ng bangka ay hawak na ng mga awtoridad.

PCG District Commander sinibak na

SINIBAK na rin sa puwesto si Coast Guard District Eastern Vizayas commander, Captain Pedro Tinampay dahil sa paglubog ng motor banca sa Ormoc City.

Ayon kay Philippine Coast Guard spokesperson, Commander Armand Balilo, pansamantalang inilipat si Tinampay sa Receiving Station ng PCG Headquarters sa Maynila

Hahalili sa kanya si Capt. William Isaga bilang acting commander

Siya na ang pang apat na PCG personnel na tinanggal dahil sa insidente.

Ayon kay Balilo, ginawa nila ang sibakan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon upang alisin ang suspetsang magkakaroon ng whitwash sa kaso.

Hindi pa matiyak kung madaragdagan pa ang matatanggal sa pwesto dahil lahat aniya ng boarding team, station commander, at district commander ay kailangang alisin. 

Kung walang maikakaso sa kanila ay pwede silang ibalik sa pwesto.

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *