Friday , November 15 2024

P392-M surplus budget ng Pasay nasa treasurer’s office pa nga ba? (What the fact Treasurer Leycano?)

00 rex target logoNADE-DELAY ang sahod at allowances ng mga regular na kawani ng Pasay City Hall at maging ng casuals at JOs pero alam ba ng mga tao na may surplus budget pa ng nagdaang mga taon na ngayon ay inihihingi ni Mayor Tony Calixto ng appropriation ordinance mula sa city council?

Alam rin kaya ito ni City Treasurer Manuel Leycano Jr., at ng Department of Finance (DOJ) na siyang mother unit niya?

Kahit hindi tayo abogado o ‘di nag-aral ng batas, batid natin na labag sa probisyon ng Saligang Batas ang hindi paggasta sa fiscal year budget ng isang LGU lalo pa nga’t may ganitong delays sa salaries at allowances ng mga empleyado.

Ayon sa ating sources, ang nasabing milyones na halaga ay bahagi ng ‘saving’ ng siyudad na hindi idineklara sa ‘di malamang kadahilanan.

Nang ilapit ito ni Calixto sa konseho, of course hindi pinagkalooban ng ‘appropriation’ dahil nga sa naging desisyon ng Korte Suprema patungkol naman sa kontrobersiyal na Disbursement Accreditation Program (DAP) na idineklara ngang illegal.

So by now, masasabi nating illegal ang P392 million na pondo ng Pasay City na hindi natin mawari kung naibalik na ni Treasurer Leycano sa National Treasury.

Assuming na naibalik na nga ito which we highly doubt, bakit pa inihihingi ng opisina ni Calixto ng ‘appropriation ordinance’ mula sa city council?

Saan gagamitin ang inipit na pera?

Bagama’t hindi ito maiko-convert sa instant cash, pwede naman itong ilaan sa isang proyekto o pagawain kapag napagkalooban na ng ‘appropriation’ ng konseho.

Dito puwedeng magkaroon ng ‘milagro’ dahil sa commission (SOP) pa lamang mula sa kontraktor ay namula na ang hasang ng mga dorobong nariyan sa city hall.

Magkano ba ang 30% ng halos P400-M mga katotong magaling sa Mathematics?

‘Yan ay kung 30% percent nga lamang ang hinihinging ‘tongpats’ ng mga buwayang gutom.

Ayon sa ating mga ‘paniki’ diyan sa city hall, umaabot nang hanggang 55% ang hinihinging SOP ng mga PINAGPALANG nilalang diyan sa Pasay City.

Sus mahabaging langit!

Mabuti na lamang at matatalino at pawang may bayag (matapang) ang konsehales natin diyan sa Pasay.

Hindi basta-basta napapasunod sa baluktot na daan!

Speaking of infra projects ni Mayor Tony Calixto, ano na nga ba ang nangyari sa nilulumot nang proyekto riyan sa Malibay?

May kabuuang budget na P300M ang ipinagagawang multi-purpose building sa Malibay na nai-award ang kontrata sa pagpapagawa sa isang kaibigang contractor ni Mayor Calixto na si NARDS CALUAG ng NC BUILDERS.

Kung hindi ba naman sa kamalas-malasan, ito pong si Ginoong NARDS CALUAG ay nagawang maimpluwensiyahan ng ilang gumon sa casino at naengganyong magsugal na rin.

Ang ending po mga mahal kong Pasayeños, nagka-letse-letse ang nasabing pagawain na umabot na po ng limang taon ngunit halos di matanaw kung kailan matatapos.

Ang mabigat pa nito, binawi na kay Mr. Caluag ang kontrata at hindi na natin malaman kung kanino namang Herodes mapupunta.

Parang basahan na lamang na makaraang magamit, huthutan at ibugaw sa bisyo ng  pagsusugal ang kawawang si Caluag ay mistulang basura na lamang na itinapon.

Ang pobre pa ‘ata ang makakasuhan ngayon dahil sa pumalpak na proyekto.

‘Wag kang mag-alala Mr. Caluag, kailanman ay hindi natutulog ang Diyos.

Makakamit din ng mga tarantadong iyan ang parusa ng langit! May kasunod…

Abangan!

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR USTREAM TV” Monday  to  Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *