Sunday , December 22 2024

Forensic probe sa Kentex tapos na — PNP (74 opisyal na bilang ng biktima)

IKINOKONSIDERA ng pamunuan ng PNP Crime Laboratory na tapos na ang kanilang trabaho sa pagsasagawa ng forensic investigation kaugnay ng naganap na Kentex fire tragedy sa Valenzuela City.

Ito’y makaraan ma-identify ng PNP Crime Lab ang huling dalawang naging biktima sa naganap na sunog noong Mayo.

Kinilala ang dalawang biktima na sina Jony Ang Discallar, isang lalaki, natagpuan ng PNP Crime Lab noong Hunyo 19, at Marvi Alvarez Marcelino, isang babae, natagpuan noong Hunyo 21 nang bumalik sa crime scene ang grupo.

Sinabi ni PNP crime laboratory deputy director, Senior Supt. Emmanuel Aranas, ngayon ay nasa 74 na ang naitala nila sa mga namatay sa Kentex fire at tugma na ito sa bilang ng mga nakalistang claimants.

Sa 74 na naging biktima ng sunog, 70 ang nakilala sa pamamagitan ng pagsasagawa ng DNA testing, habang ang tatlo ay physically identified, ang isa pang biktima ay hindi na talaga makilala dahil sunog na ang buong katawan kaya tinawag na lamang nila itong si “victim #35.”

Sinabi ni Aranas, ginawa nila ang lahat ng paraan para malaman ang identity ni victim #35 ngunit wala talaga silang makuhang kahit anong parte o bahagi ng katawan nito na maaaring isailalim sa DNA test.

Maging ang kasarian ni victim #35 ay hindi rin nila madetermina dahil sa halos abo na lamang nang kanilang makuha mula sa nasunog na pabrika.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *