Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aussie natagpuang patay sa hotel

HINIHINALANG inatake sa puso ang isang 48-anyos Australian national makaraan matagpuang walang buhay sa loob ng isang hotel sa Maynila kahapon.

Nakaharang sa pintuan nang matagpuan ni Alvin Dela Pena, 34, room boy, ang biktimang si Jason Pericles Fahibusch, ng 23 Melford St., Hurlston, Sydney

Sa imbestigasyon ni SPO2 Jonathan Bautista ng Manila Police District Homicide Section, dakong 7:05 a.m. nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa room 306 ng Hotel 99 sa Bautista St., kanto ng Hidalgo St., Quiapo Maynila.

Nabatid, nagcheck-in ang biktima dakong 11:05 p.m. kamakalawa at nagbilin sa room boy na gisingin siya ng 7 a.m. kinabukasan para makapag-check-out dakong 8 a.m.

Ngunit dakong 7:05 a.m. nang katukin ng room boy ang kuwarto ay hindi sumasagot ang biktima.

Bunsod nito, sapilitang binuksan ang kwarto at natagpuan ang walang buhay na biktima habang nakaharang sa pintuan.

Walang nakitang sugat sa katawan ng biktima kaya pinaniniwalang namatay siya sa atake sa puso.

Leonard Basilio, may kasamang ulat nina Angelica Ballesteros, Anne Marielle Eugenio at Beatriz Pereña

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …