Saturday , November 23 2024

Anyare sa Tielco-SWECO sa Tablas, Romblon?

00 pulis joeyTATLO hanggang apat na beses pa rin daw ang brownout na nangyayari sa Tablas Island, Romblon.

Ang status nga ng aking pinsang si Eljun Delos Reyes sa kanyang FB: Tielco pakiayos serbisyo nyo sira na mga gamit ko dahil sa on and off na power supply nyo, perme brownout alanganing oras.

Ito’y pagkatapos na sumumpa sa harap ng mga alkalde ng Tablas sina outgoing Congressman Jesus “Budoy” Madrona at ang presidente ng Sunwest Water and Electric Company (SUWECO) na si Zaldy Co na: “Simula bukas… wala nang brownout!” Palakpakan ang lahat ng mayors ng Tablas. Nasaksihan din ito ng Judge ng Romblon na si Joe Madrid. Nangyari ito last week lamang.

Nagpalabas pa raw ng resolution ang Sanggauniang Panlalawigan (SP) na pirmado ng lahat ng alkalde ng Tablas na nagdedeklarang persona non grata ang DMCI dahil sinasabotahe raw ang operasyon ng SUWECO na nanalo sa bidding noong Enero 2013 para magkaroon ng provisional authority na makapag-operate sa ilalim ng franchise ng Tablas Island Electric Cooperative (TIELCO).

Lumabas sa national news ang pagdedeklarang persona non grata sa DMCI Hunyo 2, matapos na magpa-interview sa radyo dZmm si Cong. Madrona.

Pero kinabukasan, sabi ni Judge Madrid, nakansela ang kanyang scheduled hearings dahil maaga pa lang ay wala nang koryente.

Hanggang ngayon ay patay-sindi ang koryente sa amin sa Tablas, brownout sa umaga, tanghali at gabi. “Yawa!” Sigaw ng matatanda!

Kung hindi ako nagkakamali, itong grupo rin nina Zaldy Co ang nasangkot noon sa kontrobersiyal na hundred millions desilting project kuno sa mga suba (ilog) sa Tablas. Pero bakit muli silang pinayagan makasali sa bidding? Tapos wala pa raw sapat na pasilidad para makapag-arya nang sapat na koryente na kailangan sa Tablas? Kompara sa DMCI na mas kompleto raw sa kagamitan.

Mukhang may nangyaring kababalaghan dito. Magkano?

Teka, bakit si Cong. Madrona ang nagsasalita sa isyu ng problema ng koryente sa Tablas, anyare kay Governor Ed Firmalo? Hindi ba dapat ang gobernador ang mas concerned sa problemang ito sa kanyang lalawigan?

Nakausap ko ang isa sa closed friend ni Zaldy Co, nagsisisi raw ang huli sa pagpasok sa bidding. Kaso nakapaglarga na raw sila ng P70-M at hindi na nila ito mababawi.

Hindi lang ako sigurado kung nagsasalita rin nang totoo ang source kong ito. Pero “bata” niya dati si Zaldy Co.

Si Zaldy Co ay kilala ring kontraktor ng mga trapo sa Senado at mga kongresista! Marami na rin akong narinig na hindi magandang isyu sa tirada nito. Si Kuya Mon Tulfo maraming alam dito. Hehehe…

Anyway, isa lang ang sigurado rito, may panggastos na sa eleksyon 2016 ang local executives na sumipa sa DMCI!

Kakarmahin din kayo…

Bentahan ng solvent sa Escolta, Manila

– Sir Venancio, report ko po… dati ang bentahan ng solvent ay dyan sa ilalim ng tulay ng Jones Bridges. Ngayon po ay lumipat na sila dyan sa Escolta at Banquiro St., Manila. Maski nakikita po sila ng mga pulis ay hindi sila ginagalaw. Hindi po ba dapat ay sinisita nila ‘yung mga batang sumisinghot ng solvent at hinuhuli nila ang mga nagbebenta? ‘Yung mga snatcher rin po dyan sa may Escolta at Jones Bridge ay kinukonsinte ng mga pulis. Naawa po kasi ako sa mga biktima nila partikular mga estudyante na inaagawan nila ng celfone at bag. Huwag nyo lang po ilabas ang numero ko. Taga rito po ako. – Concerned citizen

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *