ANIK-ANIK – Eddie Littlefield. /
PALIBHASA kakaiba kaya ngayon palang, inaabangan na ang kakaibang character na gagampanan ni Vince Tañada sa stageplay na Popepular with the Philippine Stagers.
This time, Pope ang magiging role ng award- winning actor sa isang makabuluhang Filipino musical play this July.
First time, naka- prosthetics si Vince para magmukhang Pope sa prestigious stageplay.
Sa totoo lang, sa lahat ng play na ginawa niya, rito sa Popepular siya nahirapan. Kailangang maging maingat sa mga dialogue pati galaw ng isang Pope kaya masusing pinag-aralan ng Palanca winner. Nag-research pa si Vince para alamin kung paaano mabibigyan ng justice ang role.
Aside sa pagiging actor/writer/ director ni Vince, lawyer by profession din siya. Lahat ng annulment case na hinawakan niya ay panalo with flying colors. Marami pang gustong ma-achieve ang bida ng Otso na idinirehe ng award-winning director na si Elwood Perez.