Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam, never iiwan at aalis sa Dos!

051815 Sam Milby

00 fact sheet reggeeFINALLY ay natuloy na ang project na pagsasamahan muli nina Sam Milby at Toni Gonzaga plus may bonus pa dahil kasama rin ang ‘kuya’ ng aktor na si Piolo Pascual at Jolina Magdangal.Written In Our Stars ang titulo ng bagong serye ng Dreamscape Entertainment na in-announce noong Biyernes ng gabi na uumpisahang i-shoot sa Hulyo 28 ni direk Andoy Ranay.

Excited si Sam sa project na ito dahil reunion nila ito ni Toni. Ang huli nilang pinagsamahan ay ang pelikulang You Are The One noong 2006 pa under direk Cathy Garcia Molina.

At isa pang ikinatutuwa ng aktor ay dahil first time niyang makakasama sa project ang kuya Piolo niya na aminadong idolo niya noon pa.

Sabi nga ni Sam, “you know, I sort of look up to my ‘kuya’, si Piolo, you know, he’s a much veteran actor, he’s been around for a long time, he has won so many awards.

“Ako, I think I’m gonna learn a lot working with him for the first time, so blessing talaga para sa akin to finally work with him.”

Samantala, nabanggit din ng aktor na hindi totoong aalis na siya ng ABS-CBN dahil loyal Kapamilya artist siya.

Hanggang Disyembre 2016 pa ang kontrata niya sa ABS-CBN at dalawang buwan bago mag-expire ay at saka naghahain ng contract to renew ang management na tiyak tatanggapin naman ng Cornerstone Talent Management ni Sam.

Hindi rin kasi naalis sa isipan ng iba na baka nga aalis na si Sam sa Dos kasi mas madalas siyang nasa Amerika para sa kanyang Hollywood dream lalo’t mas inuna niya ito kaysa Ex With Benefits kaya siya pinalitan ni Derek Ramsay bilang kapartner ni Coleen Garcia.

Hindi naman ito pinagsisisihan ni Samuel dahil may magandang nangyari raw sa kanya noong nasa Amerika siya.

As of now ay pawang out of the country shows ang pinagkakaabalahan ni Sam bukod pa sa pelikula nila ni JennylynMercado na Pre-Nup mula sa Regal Entertainment na idinidirehe naman ni Jun Lana.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …