MATABIL – John Fontanilla. /
GALIT ang aktres na si Rosanna Roces sa mga taong hinuhusgahan ang award winning young actor na si Jiro Manio at pinagbibintangang bumalik sa pagdodroga kaya naman mistulang nawawala sa sarili.
Ayon nga kay Osang ‘wag husgahan si Jiro sa kanyang pinagdaraanan ngayon, paano nga raw itong magda-drugs samantalang pambili nga ng pagkain eh, wala.
Naniniwala raw si Osang na tulong, pang-unawa, at pagmamahal ang kailangan ni Jiro hindi ang pangungutya.
Kilala raw ni Osang si Jiro dahil nakatrabaho niya ito daw at masayahin, bibo, magalang, at mahusay na bata pa. May magandang hinaharap pa raw ito basta unawain at tulungan lang.