UNCUT – Alex Brosas. /
NAKATATAWA itong si Albay governor Joey Salceda. Kiyaw-kiyaw ng kiyaw-kiyaw nang ma-evic ang housemate na si Barbie sa Pinoy Big Brother.
“’Yung lahat ng TV sa bahay pina-off ko muna. I just don’t relish rituals of faked sympathies. So much plastic in that program. Barbie deserves to be treated better. Their loss, our gain. Banned muna ang ‘PBB’ till the other Albayano is to be defended.”
‘Yan ang nakalolokang post ng pikon na si Joey. Big deal sa kanya na na-evict ang kanyang manok na kapwa Bicolano.
“gumawa ka na lang ng Pbb albay version ang daming pwedeng maging problema showbiz pa,” say ng isang guy.
“edi sana naglaan ka nang 1,000,000 na load para masave mo siya duh!!!!! kahit ano mo pa ka gusto siya dahil tga albay kung ayaw siya ng sambayanan sorry mag starstruck kanalang,” sabi naman ng isa pa.
“Stupid governor ! Make ur own reality show and ur face looks ridiculous and so is ur attitude !” maanghang na comment naman ng isa pa.
Hindi marunong tumanggap si Gov. Salceda ng pagkatalo. Ano man ang gawin niya, na-evict na ang manok niya, ‘no!