Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Entertainment head ng TV5, puring-puri ang kabaitan ni Mark

 

051915 Mark Neumann Baker King

00 fact sheet reggeeMASAYANG ikinuwento ni TV5 entertainment head, Ms Wilma V. Galvante sa nakaraang launching ng No Harm No Foul na sobrang natutuwa siya kay Mark Neumann bilang si Baker King dahil halos lahat ng barangays na pinuntahan ngHappy Truck Ng Bayan ay kilala ang aktor.

“I’m happy for Mark, kasi ang tawag sa kanya Takgu, so meaning, they are watching Baker King? ’Di ba, nakakatuwa?”kuwento ni WVG sa mesa ng entertainment press na roon din siya nakaupo.

Isa pang napuri kay Mark ay napansin daw ni Ma’am Wilma na kahit may ginagawa ang aktor o nagmamadali kapag tinawag siya ng fans para magpa-picture ay pumupunta at nagpo-pose kaagad.

Oo nga, agree naman kami riyan dahil nakita na rin namin si Mark ng maraming beses na hindi siya namimili ng taong kakausapin o magpapa-piktyur lalo na sa mall na madalas namin siyang makita na hindi naman niya kami nakikita.

Bukod dito ay maganda rin daw ang feedback sa Baker King ni Mark.

Samantala, nagtanong kami sa TV executive kung kumusta naman ang feedback sa isa ring aktor na kasabayan din ni Mark sa Artista Academy, naloka kami kasi walang reaksiyon si Ma’am Wilma as in, parang hindi kami narinig o baka nga hindi, ha, ha, ha, ha.

Sabi nga namin, eh, bagay pala silang magsama ng kasabayang aktor ni Mark at aktres na produkto rin ng Artista Academydahil pareho silang walang ingay at walang reaksiyon ang mga tao.

Anyway, sana mas lumaki pa ang pangalan ni Mark para naman may ipagyayabang ng sariling produkto ang TV5.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …