ANIK-ANIK – Eddie Littlefield. /
Pangarap din ni Vince maidirehe si Ms. Nora Aunor. “Lumaki akong si Nora ang bukambibig ng lola ko at nanay ko. Halos lahat sa pamilya si Ate Guy ang paborito, pinanonood ang bawat pelikula. Maituturing na legend na si Ms. Aunor. Napakagaling niyang artista, saludo ako sa kanya,” ani Vince.
If ever pumayag si La Aunor na magpadirehe kay Vince, anong movie project ang gusto niyang i-portray ng Superstar ?
“May naiisip na akong character na hindi pa niya nagagawa na ako ang sumulat. Babae siya na naging tomboy at naging lalaki. Nagka-boyfriend siya, na experience ang maging normal na babae. Hindi pala ‘yun ang gusto niya hanggang maging tomboy at nagka-girlfriend. Magpapa-opera siya at magpapalagay ng organ ng lalaki,” turan pa ni Vince.
Maging ang manager ni Ate Guy na si Boy Palma ay na-excite sa tinuran ni Vince. “Gusto ko ‘yan, bago, challenging ‘yung character at hindi pa napo-portray ni Guy. Sasabihin ko ‘yan sa kanya, kailangan mabasa niya ‘yung story line or ‘yung buong script,” excited na sabi ni Boy Palma.