Sunday , December 22 2024

Bagyong Egay signal no. 2 sa 9 lugar

NAPANATILI ng tropical storm Egay ang lakas at nasa bahagi na ng Bundok Cagagangan sa Cagayan.

Inihayag ng PAGASA sa pinakahuling press briefing, taglay pa rin ni Egay ang lakas ng hangin na aabot sa 95 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong nasa 120 kph.

Nanatiling mabagal ang paggalaw ni Egay sa 9 kilometro kada oras dahil sa epekto ng high pressure area sa hilaga gayondin ng Typhoon Chan-hom na nasa labas ng bansa.

Umiiral ang storm warning signal sa mga sumusunod na lugar:

Pinag-iingat sa banta ng flashflood at landslide ang mga residente sa mga naturang lugar pati na sa Central Luzon, Metro Manila, MIMAROPA at CALABARZON. Ito’y sa harap na rin ng pagpapaigting ni Egay sa habagat na nagdadala ng mga pag-ulan.

Pinaiiwas ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat na pumalaot sa seaboards ng Luzon at Visayas.

Kung hindi magbabago ang direksyon ni Egay, posible itong muling mag-landfall ngayong gabi. Dakong 10 p.m. kamakalawa nang una itong tumama sa lupa sa Palanan, Isabela.

Tinatayang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Egay sa Miyerkoles ng hapon.

Sa kabila nito, nagbabala ang PAGASA na magpapatuloy ang mga pag-ulan sa pagpasok sa bansa ng Typhoon Chan-hom na tatawaging Bagyong Falcon at hihila rin sa habagat.

Metro Manila Calabarzon itinaas sa rainfall alert

NAGLABAS ng rainfall warning o babala ang PAGASA laban sa mga pag-ulan sa mga residente sa Metro Manila, Rizal, Laguna, Cavite at lalawigan ng Batangas.

Ayon sa PAGASA, inaasahan ang mga pag-ulan sa naturang lugar dahil sa hanging habagat na pinag-ibayo ng bagyong Egay.

Nabatid na nagkaroon na  ng  mga  pagbaha sa ilang bahagi ng Rizal, Las Piñas, Parañaque, Muntinlupa, Taguig at Laguna.

Ilang bayan sa Cagayan walang koryente

TUGUEGARAO CITY – Walang suplay ng koryente ang ilang bayan sa lalawigan ng Cagayan simula 8 a.m. kahapon dahil sa bagyong Egay.

Ang mga bayan na walang ilaw ay Baggao, Alcala, Amulung, Penablanca, Solana, Tuao, Rizal, Iguig, at sa Lungsod ng Tuguegarao.

Ayon kay Hilario Mabborang ng Cagayan 1 Electric Cooperative, Inc. (CAGELCO 1), pansamantala nilang pinutol ang power supply sa nasabing mga bayan dahil mayroong mga natumbang poste na kailangan nilang ayusin dahil bahagyang lumakas ang ulan at hangin sa lalawigan pagsapit ng umaga.

Bukod dito, inaayos din ang mga nagkaproblemang insulator na nakakabit sa mga linya ng koryente dahil nitong mga nakaraang araw ay sobrang init ng panahon at biglang umulan kung kaya ang ilan dito ay pumutok.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *