ANIK-ANIK – Eddie Littlefield. /
Ngayon, kasalukuyang ginagawa ni La Aunor ang Kabisera na sana’y entry for Metro Manila Film Festival 2015 kaya lang hindi ito nakapasok. Nagsimula na rin siyang gawin ang Karelasyon, Tatlong henerasyon.
Kamakailan, binigyan ng parangal ang Superstar ng Philippine Tourism para sa Patnubay Ng Sining At Kalinangan Diwa Ng Lahi sa Lungsod ng Maynila ni Mayor Joseph Estrada. Kinilala sa ibang bansa ang mga makabuluhang pelikulang nagawa ni Ms. Aunor. Binigyan din ng Natatanging Gawad Urian ang legendary actress.
Balita pa naming, may special episode na gagawin si Ate Guy para sa MMK ng Kapamilya Network, inaayos palang ang script nito bago magsimula ang taping.