Tuesday , December 24 2024

ABS-CBN, sa social media isinisisi ang malisyang ikinakabit kina Kenzo at Bailey

 

UNCUT – Alex Brosas. /

pbb

KALIWA’T kanang batikos ang inabot ng ABS-CBN dahil sa statement nila na biktima ng cyberbullying ang dalawang young housemates.

Sa statement kasi ng Dos ay bine-blame nila ang social media people for putting malice on Bailey and Kenzo’sactuations.

Tinanggal na nila ang live streaming recently dahil na rin sa kaliwa’t kanang batikos sa mga housemate.

With that ay pinutakti ng batikos ang Dos. Bakit nila ibe-blame ang mga tao sa social media, eh, nagre-react lang naman ang mga ito ayon sa kanilang napapanood?

“Yes kaya nga nakapagtataka, teen edition kuno, eh wala pa nga sa “teen” na edad like thir”teen” four”teen” etc! Gwapo kasi para dumami manonood tapos kung anu anung “tasks” ang ipinipagawa ni “kuya”! Child exploitation at its finest! Tapos sa atin isinisisi?! Pwe! Ngayon gusto kong malaman ang reaksyon ni Direk Wenn dito LOL LOL.”

“So sinisi sa mga jejemin.fantard nila.ung.malisyosong galaw nila enzo at bailey? Dear abscbn hwag nyo gawing escape goat ang mga viewers nyo. Kayo may hawak sa pinapalabas nyo. If i know sinadya nyo naman talaga tapos pag nasita sasabihin netizens? Pinutol ung live streaming.or inutusan kayo ng mtrcb?”

“I don’t think its right to blame the netizens sa issue nato, kasi we just react based on what we see. If we believe wala namang mali sa mga ginagawa ng housemates, then we wouldn’t put judgment and malice over their acts. It is not the netizens that maligned the reputation of the housemates but themselves. Feeling ba ng PBB, okay lang ang mga ganung arte ng mga kabataan, nakalimutan yata nila na they also have the social responsibility to their viewers na magpakita ng tamang ehemplo.”

Tatlo lang ‘yan sa maaanghang na nabasa naming comment mula sa isang popular website.

Anyway, nakatatawa ang ABS-CBN. Noong wala pa silang letter na natatanggap ay prenteng-prente sila at hindi nila sinisisi ang social media people.

Nang ipatawag na sila ng MTRCB ay bigla nilang sinisi ang mga tao sa social media because of cyber bullying.

We think that’s not fair. Mayroong nakikita ang mga tao kaya sila nagre-react. You mean, when you see two guys holding hands ay normal iyon? When you see two guys na halos maghalikan na ay parang wala lang ‘yon?

No, people don’t put malice in what they do. They just INTERPRET what they were seeing.

 

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *