Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Has been actress, ngumangawa sa BF na may asawa ‘pag kailangan ng pera

 

050615 blind item woman

ni Reggee Bonoan

HINDI pa rin maka-get over ang has been actress sa kasalukuyan niyang estado sa buhay dahil ipinipilit niyang siya na ang ‘inuuwian’ ng kanyang kasalukuyang boyfriend.

Ang boyfriend ng has been actress ay may legal wife at hindi pa naghihiwalay at umuuwi pa rin gabi-gabi sa bahay nila ng asawa’t mga anak.

Marahil kapag nakakalusot si boyfriend sa legal wife ay nakaka-sleep over siya sa has been actress kaya siguro nasasabi na siya ang ‘inuuwian’ ng dyowa niya at hiwalay na sa asawa.

Nakatatawa lang dahil ang lakas ng loob ni has been actress na tumalak sa mga kaibigan nila ng boyfriend niya, eh, mistress lang naman daw siya, nasaan daw ang etiquette niya bilang isang kabit?

Aware pala si legal wife na may relasyon pa rin ang asawa niya at ang has been actress pero deadma na lang siya dahil katwiran nga niya ay sa kanya umuuwi at siya pa rin ang tunay na asawa.

Sabi pa raw ng legal wife, ”ngumangawa siya (has been actress) kapag kailangan niya ng pera, eh, tingin niya kasi sa asawa ko, ATM (automated teller machine) na anytime niya need ng pera, may mawi-withdraw siya o kusang dumarating kasi ipinahahatid minsan sa bahay niya.”

Ang suwerte naman ni has been actress, hindi niya need magbanat ng buto para masustentuhan ang pangangailangan at take note Ateng Maricris, branded at mamahalin lahat ng bags na ang pinakamababang presyo ay P300,000.

Sa kasalukuyan ay kinukulit daw ni has been actress ang boyfriend niya kung kailan sila magiging legal na hubby and wife?

Susme, mukhang malaki ang problema ni has been actress dahil alam na alam niyang hindi ito mangyayari dahil ang boyfriend niya ay hindi pakakawalan ng legal wife at mangyayari lang daw ang pangarap ng aktres kapag nawala na ang tunay na asawa.

Eh, parang malayong mangyari dahil physically fit at hindi nagpapabaya sa kalusugan niya ang legal wife.

At si has been actress, ”hayun, nagpapaka-healthy pero mataba pa rin,” say ng aming source.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …