ITINANGGI ni Artista Academy grand winner, Sophie Albert ang balitang nagpapa-release na siya sa TV5 at nag-audition siya para sa seryeng Pangako Sa ‘Yo bilang ka-love triangle nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Nagulat ang dalaga rito at inamin niyang nabasa niya ang nasulat.
“Hindi, hindi pa ako nakakatapak ng ABS since ‘hastagY’ (Cinemalaya entry 2014).
“Hindi, wala pang plano, oo nga nabasa ko nga, pero totoong may assessment kami sa TV5 this July, so it’s up to TV5. Siguro by Monday, makakapag-decide na kung mag-i-stay o maggo-go, pero sa ngayon, wala, no anything definite,” sabi ng dalaga.
Bago namin na-one-on-one si Sophie ay natanong muna namin si TV5 Entertainment head, Ms Wilma V. Galvante kung totoong ire-release na nila ang dalaga.
“Hindi pa kami nag-uusap, wala namang sinasabi pa, grand winner ko siya sa ‘Artista Academy’ kaya nanghihinayang ako.
“Hindi kasi siya (Sophie) sing and dance, artista siya, marunong siyang umarte, kaso parang may ano (hold), hindi mailabas, pero magaling siya,” kuwento sa amin.
So ano ba talaga ang totoo sa isyu? “Hindi naman magpapa-release, pero may assessment kami. Lahat ng nasa ‘Artista Academy’, mayroon kaming assessment this July.”
At sa tanong kung may alok sa kanya sa ibang TV network, “wala naman.”
At hinihintay ni Sophie ang desisyon ng management.
“Siyempre, kung sa akin lang, ang hirap maglipat. Ang hirap mag-start, Kung puwede, bakit hindi rito na lang?,” katwiran ni Sophie.
Samantala, dalawang taon palang walang project si Sophie at na-depress daw siya.
“Oo, siyempre nalungkot ako noong time na dalawang taon akong nabakante.
“Siyempre ngayon, masaya ako kasi kasama ako rito (‘No Foul No Harm’), kasama ako sa ‘Happy Truck ng Bayan’, so I’m happy,” say ni Sophie.
At bilang artista ay, “marami akong gustong gawin. Siyempre, bilang artista, gusto mong maka-experience ng iba’t ibang roles.
“Naging slow, alam naman nating lahat ‘yon na dalawang taon akong walang trabaho. Naging slow, hindi ako magsisinungaling doon.”
Bakit nga ba hindi sumikat-sikat si Sophie? Saan kaya ang kulang, “siyempre ‘yung sisihin sarili mo, so natanong ko na rin naman ‘yun kung bakit.
“But, it’s a fact that TV5 only has a few timeslots, there’s only a few shows.
“Siyempre, lahat kami nagpapalit-palit, so, I don’t think it’s TV5’s fault or my fault, but this is how the network is. ‘Yun nga parang weekly lang ‘yung shows ngayon, that’s how it is.”
First time magko-comedy si Sophie sa No Harm No Foul bilang slow love team ng Ateneo player na si Kiefer Ravena na mapapanood na bukas, Linggo kapalit ng Mac N Chiz.
“Magpipinsan kami nina Valeen (Montenegro), Eula (Caballero) tapos ako ‘yung slow, madali-dali ang role ko na medyo may delay o slow ‘yung utak,” sabi ni Sophie tungkol sa papel niya sa No Harm No Foul kasama sina Gary David, Yoyong Martirez, Tuesday Vargas, Long Mejia, Ogie Alcasid, at Randy Santiago na siya ring direktor na mapapanood na simula bukas, Linggo, 8:00 p.m..
FACT SHEET – Reggee Bonoan