Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rey Valera, bilib kay Sharon Cuneta!

 

070315 Rey Valera

00 Alam mo na NonieIPINAHAYAG ni Rey Valera ang paghanga niya sa Megastar na si Sharon Cuneta. Nakapanayam namin ang hitmaker na singer/composer para sa tribute concert sa kanya na pinamagatang The Music of Rey Valera na gagana-pin sa August 1 sa The Theatre ng Solaire Resort, 8 p.m.

Nang usisian namin ang OPM icon kung sino ang favorite niya sa mga nag-interpret ng mga kantang kanyang nilikha, ito ang kanyang saad.

“Marami, pero recently, mayroong mga throwback-throwback na narinig ako sa radio. Narinig ko yung version ni Sharon ng Mr. DJ recently. Huminto muna ako sandali muna sa… nagda-drive ako e, huminto muna ako sa isang gilid.

“Pinakinggan ko siya nang maigi at iba ang appeal ng bo-ses ni Sharon pala during that time. May magic e. Ewan ko, pakinggan ninyo yung dating boses ni Sharon during that time. May honesty, may longing, halo-halo e. Pero sabi ko, yung boses ng batang yun parang ano, may something different about it. Hindi ko ma-describe, pero mayroong ganoon, e.

“May mga aral na singer, magagaling, matataas ang bo-ses, may mga humihiyaw, whatever. Pero siya hindi e, nagfa-falsetto lang siya e, tapos walang ere, walang kulot-kulot yung boses. Simpleng-simple and then you like the girl, you like the voice, e,” saad pa ni Rey ukol sa Megastar.

Samantala, hindi napigilan ni Rey na mapaiyak nang tugtugin ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra sa pangunguna ni Maestro Gerard Salonga ang i-lang medley ng kanta ng singer/composer. Ang naturang orchestra ay mag-i-interpret ng mga masterpiece ni Rey at ng mga awiting nilikha niya na napamahal na sa madla kabilang ang mga tanyag na teleserye theme songs tulad ng Pangako Sa’Yo, Maging Sino Ka Man, at Kung Kailangan Mo Ako.

“Sino ba ang hindi mai-iyak? I was so over-whelmed. I felt a lump in my throat. Ang ganda ng arrangement ni Gerald, very soulful, nakikipag-usap sa iyo ang music kahit wala iyong lyrics.

“Wala akong masabi. Lahat ng experiences and training ng musicians in the orchestra, inilagay nila sa pagtugtog and all combined in that one magical moment,” esplika ni Rey nang usisain kung bakit siya napa-iyak habang nakikinig sa ensayo ng naturang orchestra.

Dagdag pa niya, “I really like to thank ABS-CBN for doing this habang buhay pa ako. Alam ninyo, dahil sa ibinayad nila sa akin for using my song sa unang Pangako Sa ‘Yo, naipagawa ko ang bahay ko. Heto ngayon, kumikita uli sa bagong version ng Pangako Sa ‘Yo.

“Dahil the orchestra moved me kanina, I’m donating my ta-lent fee for the concert to all the musicians ng ABS-CBN Philharmonic.”

Makakasali rin sa The Music of Rey Valera concert upang awitin ang mga kantang nilikha niya ang ilan sa pinakamahuhusay na balladeers at music icons ng bansa tulad nina Sharon Cuneta, Martin Nievera, Vina Morales, Rico J. Puno, Edgar Allan Guzman, Morisette, Tippy Dos Santos, at Antonio Ferrer.

Ang ticket para dito ay mabibili sa Ticketworld outlets nationwide, maaari ring tumawag sa Ticketworld hotline sa 891-9999 o bisitahin ang kanilang website sa www.ticketworld.com.ph.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …