AMBETIOUSLY – Ambet Nabus. /
NAKAKALOKA mare ang tila lumalaking isyu ng “bromance” nina PBB housemates Kenzo at Bailey.
Marami na ang naalarma pati ang MTRCB ay nagpatawag na ng attendance sa mga namumuno ng programa na napapanood sa ABS-CBN para mas mahingan ng paliwanag at mag-conform sa mga rule ng pag-handle sa mga kagayang shows na may mga menor de edad na involve.
Sa nangyayari ngayon sa dalawang lalaking housemates, natutuon ang atensiyon sa 18-anyos na si Kenzo, isang Atenista at natsismis pa nga kay Julia Barretto noong umpisa.
Twelve 2 years old lang kasi ang malaking bulas na si Bailey na kahit na nagpahayag ng pagkagusto sa kapwa housemate na si Barbie (isa sa kanila ang na-evict na marahil by the time this piece comes out) ay hindi itinangging “boy friend” niya si Kenzo at ganoon sila ka-close.
Mukhang marami ngang dapat ipaliwanag ang show ni Kuya dahil tila sa magkakaibang lahi, ugali at pinagmulan ng mga housemate niya ay sandamakmak din ang mga isyu na sinasabing larawan ngayon ng mga kabataan.