Sunday , December 22 2024

NP malabong makipag-alyansa sa UNA — Villar

AMINADO si Senadora Cynthia Villar, bagamat bukas siya sa lahat ng sino mang posibleng maging kaanib sa 2016 presidential elections ngunit tila malabo ito sa UNA na koalisyon at partido ni Vice President Jejomar “Jojo” Binay na nauna nang nagpahayag ng kahandaan na tatakbong pangulo sa nalalapit na halalan.

Ayon kay Villar, maliwanag na tutol dito sina Senador Antonio Trillanes IV at Senador Alan Peter Cayetano na pawang mga miyembro ng Nationalist Party (NP) kung kaya’t malabo ang alyansa sa UNA.

Agad ding nilinaw ni Villar na wala rin siyang nalalaman na ano mang offer o alok sa UNA sa hanay ng NP.

Binigyang-linaw ni Villar na wala silang tiyak na kandidato sa pagiging presidente o standard bearer ng partido ngunit isa lamang ang malinawag, tiyak na tatakbong bise-presidente si Trillanes, suportahan man siya o hindi ng partido.

Nilinaw ni Villar, may suporta man ng partido o wala ang isa nilang kandidato ay kailangang handa ang kanyang pananalapi para patakbuhin ang kanyang kampanya hanggang sa mismong araw ng halalan.

Inamin pa ni Villar, dahil sa magastos ang pagtakbo ay hindi din nila magagawan makompleto ang kanilang senatorial line up.

Umaasa si Villar na mareresolba ang usapin sa pagitan nila Trillanes, Cayetano at Senador Bongbong Marcos kung ano talaga ng posisyon na kanilang tatakbuhin sa 2016 election.

Kung si Trillanes ay desisdido na sa bise presidente, sina Marcos at Cayetano ay nais tumakbong pangulo.  

Niño Aclan

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *