MASAYA si Lance Raymundo sa pagkakasali sa pelikulang Maskara. Ayon sa aktor, napapanahon at makabuluhan ang pelikulang ito. Aminado ang singer/aktor na pinakamalaking challenge sa kanya ang papel na ginampanan sa pelikulang ito ni Direk Genesis Nolasco.
“Living up to its title, hindi mo kasi maisip agad kung ano at sino siya, kung ano ang motibo niya. May mga itinatago yung role ko rito, he is a powerful CEO. Kakaiba ito sa past roles na ginampanan ko, it’s either straight na bad guy siya, pero dito may gray area iyong character ko na napakagandang i-portray.”
Sinabi pa ni Lance na natutuwa siyang makatrabaho rito sina Alex at Ina. “Idol ko si Ping at minsan ko nang pinangarap na makasama sa isang project na naudlot dati. Si Ina rin ang galing, halos lahat ng scenes namin take one lang. I really have a preference for co-stars who love and respect their craft as much as I do.”
Ang Maskara ay isa sa entry sa World Premieres Film Festival Philippines-Filipino New Cinema section. Ito ay hatid ng Film Development Council of the Philippines at mula sa pakikipagtulungan ng SM Cinema. Gaganapin ito sa June 24 hanggang July 7, 2015 sa SM North EDSA.Tampok din dito sina Lester Llansang, Alvin Fortuna, Dennis Coronel, at Ms. Boots Anson Roa.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio