Saturday , November 23 2024

Kung may tibay lamang…

USAPING BAYAN LogoKUNG ang espesyal na pangulong si Benigno Simeon Aquino III at ang kanyang mga pulpol na amuyong ay katulad lamang ni Greek Prime Mi-nister Alexis Tsipras at ng kanyang Syriza party ay tiyak na hindi tayo basta-basta pagsasamantalahan ng ibang mga bansa.

Mula ng maupo sa poder nitong Enero si Tsipras at ang Syriza Party sa lilim ng pro-people na anti-austerity program ay nanindigan ang mga ito laban sa anti-mamamayan na patakaran na gustong ipataw sa Greece ng European Commission (EC), European Central Bank (ECB) at International Monetary Fund (IMF), mga institus-yong kapitalista na mas kilala sa tawag na Troika.

Pinahihirapan ng Troika ang mga ordinar-yong mamamayang Griyego upang mabuksan sa mga dambuhalang maka-kanluraning korporas-yon ang ekonomiya ng Greece at mapatalsik si Tsipras at ang Syriza mula sa poder. Ang gusto ng Troika ay mapalitan si Tsipras at Syriza ng mga pulpol na politiko (pul-politiko) na kabalahibo ng karamihan sa mga namumuno sa atin ngayon.

Kabilang sa pang-gigipit na ginagawa ng Troika ay ang pagpupumilit na huwag buwisan ang mga mayayaman, ang pag-babawas, kundi man tuluyang pag-alis, ng ayuda sa mga ordinaryong Griyego katulad ng retirement pension, health care at iba pang pampublikong benepis-yo. Kasabay nito ay gusto rin ng Troika na isa-pribado ang halos lahat ng serbisyong pampubliko tulad ng mga ospital, eskwelahan at transportasyon.

Kung susunod lamang si Tsipras at ang Sy-riza sa kagustuhan ng Troika ay patuloy nitong pauutangin ang Greece. Gayun man, dahil tapat sa pangako sa mga ordinaryong Griyego si Tsipras at ang Syriza, hindi sila yumuyuko sa kagustuhan ng mga suwapang na may-ari ng kapital sa kabila ng matinding pangigipit at pang-ba-blackmail nito.

Ang mga Griyego ngayon ay may mukhang inihaharap sa mundo…mukha ng isang marangal at naninindigang lahi sa kabila ng kahirapang dinaranas, kabaligtaran nang ipinakikita ng mga nasa Malacanang at mga sycophant nito sa kongreso.

Kung katulad lamang ni Tsipras at Syriza si BS Aquino, ang Liberal Party at mga amuyong na cause oriented group ay hindi sana tayo binabastos ng Tsina at Malaysia. Hindi sana tayo nawawalan  ng kakayahan na manindigan at ipagtanggol ang bayan.

* * *

Idinisplay ng Philippine Air Force sa kanilang ika-68 na taong anibersaryo ang mga obsolete na air assets nito (kung ikukumpara sa China at Malaysia) habang tuwang-tuwang nanonood si BS Aquino.

Napansin ko na puro propeller driven ang halos lahat ng mga assets na ipinakita at karamihan sa mga helicopter ay 1960’s vintage. Paano natin ipagtatanggol ang mga isla-islahan natin sa West Philippine Sea sa ganitong air force? May palagay ako na ang mga assets na ito ay talagang para lamang sa panunupil sa bayan (counter-insurgency). Sa ating maliliit lamang naman kasi umuubra ang ganitong puwersa.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna.

Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=tspara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *