Sunday , December 22 2024

DepEd supervisor, 3 paa patay sa trike vs truck sa Samar (6 pa sugatan)

TACLOBAN CITY – Patuloy na pinaghahanap ang driver ng cargo truck (panel) na responsable sa pagbangga sa isang tricycle sa Brgy. 7, Kilometro 1, siyudad ng Catbalogan, kamakalawa na ikinamatay ng apat katao.

Una rito, tumakas ang nasabing driver makaraan ang insidente.

Base sa nakuhang impormasyon sa Catbalogan Police Station, nakatakas ang suspek bago pa man makaresponde ang mga awtoridad.

Kinilala ang suspek na si Gene Tiolo Presbitero, driver ng panel na magde-deliver sana ng manok sa siyudad.

Una nang kinilala ang mga namatay na si Blanca Labro, schools division supervisor ng DepEd Catbalogan City Division, driver ng tricycle na si Joselito Panican, at sina Danilo Nablo, 14, at Daisy Nablo, 17.

Hindi na umabot nang buhay ang mga biktima sa Samar Provincial Hospital.

Napag-alaman, papasok sana ng Catbalogan ang panel nang mawalan ng kontrol ang manibela nito dahilan para mabangga  ang paparating na tricycle na sinasakyan ng mga biktima.

Bukod sa mga namatay, umaabot sa anim na iba pa ang sugatan.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *