Saturday , March 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Claudine, nag-effort na ibalik ang dating figure

 

MAKATAS – Timmy Basil . /

070315 claudine

MABUTI naman at naisipan ni Claudine Barretto na magbalik-showbiz.

Halatang nag-effort siya para bumalik ang dati niyang figure. Hindi man naibalik dati niyang katawan, at least kitang-kita naman na malaki ang ibiniwas ng timbang.

Bumalik na rin ang ningning ng kanyang mga mata at glamour ng mukha. Artistang-artista na ulit siyang tingnan ngayon.

May pelikula si Claudine ngayon, ang Etiquette For Mistresses na halaw mula sa libro ni Julie Yap Daza.

Siya ang title role. Siya ang mistress na imbes na magpakumbaba dahil nakikiapid siya itong matapang at nanunugod sa tunay na asawa.

Nakakalokah. Kasama ni Claudine sa pelikulang ito si Kris Aquino.

Kapag ganyan naman ang pag-uugali ng isang kabit, naku. hindi na pinatatagal ‘yan lalo na sa amin sa Siquijor, bwahahahaha.

At least, bumalik si Claudine sa rati niyang pinag-reynahan. Bago ‘yang mga Kim Chiu na ‘yan, Bea Alonzo, Angel Locsin, at Sarah Geronimo, nauna na saStar Cinema si Claudine at isa si Claudine sa unang mga artista na nag-akyat ng milyones sa kaban ng Star Cinema.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …